CHAPTER 95: HER PROMISE

1.8K 56 4
                                        

THIRD PERSON'S POV

Halos lahat ng malapit sa puso ni Thea ay nagtipon-tipon sa loob ng sacred room para sa gaganaping seremonya para sa kaniyang pagkawala. Lahat ay nakasuot ng puting kasuotan at may mga hawak na puting rosas sa kanilang kanang kamay.

Wala sa seremonya ang mga hari at reyna ng tatlong kaharian dahil hindi nila maaaring iwan ang kanilang kaharian. Maging sina Ayesha at Almira ay wala rin dahil abala ang mga ito sa pamamalakad at pamumuno ng kanilang kaharian. Hindi nila maiwan ang kanilang mga tungkulin lalo pa't katatapos pa lamang ng sunod-sunod na digmaan. Kaya naman ay minabuti na lamang nina Ayesha at Almira na magsagawa rin ng sarili nilang seremonya ng pamamaalam dahil napamahal na rin naman sa kanila si Thea at gusto nila itong bigyan ng maayos na pamamaalam.

Sa altar ng sacred room ay makikita ang larawan ni Thea na kinuha pa ng kaniyang mga kinilalang magulang sa mundo ng mga tao. Napakalawak ng kaniyang ngiti sa larawan at hindi mo maiisip na sa likod ng kaniyang mga ngiti ay napakaraming problema at hamon ang kaniyang hinarap.

Masakit para sa lahat ang pagkawala ni Thea ngunit wala silang magawa kundi ang tanggapin ang katotohanang wala na si Thea. Oras na para tanggapin nilang lahat na wala na ang pinakamamahal nilang prinsesa na siya ring itinakda. Oras na para sa pamamaalam. At upang pormal na simulan ang seremonya ng pamamaalam ay pumunta si Lady Hera sa harap ng altar at sinimulan niya ang seremonya sa pagpapakilala sa kaniyang pamangkin at pag-alala sa mga ginawa nitong kabayanihan.

Matapos ipakilala ni Lady Hera sa lahat ang kaniyang pamangkin at matapos niyang balikan ang mga ginawa nitong kabayanihan ay nagbigay na siya ng kaniyang mensahe para kay Thea at namaalam na rin siya rito bago niya umiiyak na inilapag malapit sa larawan ni Thea ang hawak niyang puting rosas. At nang gumilid siya para magbigay-daan sa iba pang mamamaalam kay Thea ay lumuluhang lumapit sa altar ang mag-asawang sina Haring Uriel at Reyna Alora.

"Anak‚ ipinagkait man sa atin ng tadhana na tayo'y magkasama sa loob ng mahabang panahon ay masaya pa rin akong lumaki ka na may busilak na kalooban na handang magbuwis ng buhay para sa nakararami. At masakit man sa akin bilang iyong ina ang ginawa mong ito ngunit ipinagmamalaki ko pa ring ika'y aking anak. Ipinagmamalaki kong may malaki kang puso na mas inuuna ang kapakanan ng lahat bago ang sarili. Mahal na mahal kita‚ anak. Sana'y nasa maayos kang kalagayan kung saan ka man naroroon‚" lumuluhang pagkausap ni Reyna Alora sa litrato ng kaniyang namayapang anak habang yakap-yakap siya ng umiiyak na ring si Haring Uriel mula sa kaniyang gilid.

Dahil nga umiiyak na rin si Haring Uriel katulad ng kaniyang asawang si Reyna Alora ay hindi na siya nagbigay pa ng mensahe sa kaniyang anak. Sinabayan na lamang niya ang kaniyang asawa sa paglapag ng mga hawak nilang puting rosas sa mismong tapat ng larawan ng kanilang anak. At nang mailapag na nila ang puting rosas sa altar ay agad silang gumilid at lumapit sa kinaroroonan ni Lady Hera upang magbigay-daan sa susunod na magbibigay ng mensahe sa kanilang anak.

Pagkaalis na pagkaalis nina Haring Uriel at Reyna Alora sa harap ng altar ay agad na pumalit sa puwesto nila sina Thara at Fabian‚ ang mga kinilalang magulang ni Thea noong mapadpad siya sa mundo ng mga tao.

Tahimik lamang na umiiyak si Fabian habang marahan niyang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa na humahagulhol na upang aluin ito.

"Thea‚ anak‚ hindi ka man lang nagpaalam sa amin ng daddy mo. Ni hindi man lang kita nakita bago ka mawala. Ni hindi ko man lang nasabi sa 'yo kung gaano kita kamahal‚" umiiyak na wika ni Thara saka bigla na lamang siyang humagulhol ulit nang maramdaman na naman niya ang paninikip at pagbigat ng kaniyang dibdib.

"Mahal na mahal kita‚ anak. At kahit wala ka na at kasama na namin ang aming tunay na anak ay mananatili ka pa ring prinsesa namin ng daddy mo. Ikaw pa rin ang makulit at isip-bata naming anak‚" pagpapatuloy ni Thara saka niya nanginginig na inilapag sa altar ang hawak niyang rosas na agad namang sinundan ni Fabian.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon