KAIDEN’S POV
It’s been a week since I entered Eminent University. And in my one week here‚ I just kept on observing and following that girl named Atlhea from school to her house just to make sure that she’ll be safe and at the same time‚ to discover what makes her mysterious and different from others. That’s why I’m now here at the school cafeteria to keep an eye on her.
“Can I?” agad kong tanong sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya bitbit ang food tray kung saan nakalagay ang pagkaing inorder ko.
Nilapitan ko siya sa halip na pagmasdan lang siya mula sa malayo gaya ng lagi kong ginagawa dahil wala ng bakanteng upuan. The cafeteria is now filled with bunch of people because it is the break time of all the senior high school students.
Tinapunan niya lang ako ng malamig at bagot na tingin bago niya muling ipinagpatuloy ang pagkain niya.
“Silence means yes‚ I guess.” I just smiled at her even though she’s not even looking at me.
Inokupa ko ang upuang katapat niya at sinimulan ko nang kainin ang pagkaing inorder ko. Habang pareho kaming abala sa pagkain ay panay ang sulyap ko sa kaniya. Halos minu-minuto ko siyang tinatapunan ng tingin. Hindi ko alam pero parang naging hobby ko na ang titigan ang maamo niyang mukha. She’s like a vitamin to me. Magmula noon hanggang ngayon ay nagagawa pa rin niya akong bigyan ng kakaibang sigla. Wala pa ring nagbago kahit na ilang taon kaming hindi nagkita at nagkasama.
Sa isang linggong pagsubaybay at pagbabantay ko sa kaniya ay marami na akong natuklasang bagay tungkol sa kaniya. Tulad na lang ng mayaman pala siya at anak siya ng pinakakilalang mag-asawa sa lungsod na ito. She is a loner because she has no friend and I don’t know the reason why because I want to respect her privacy in this case. She’s a bookworm‚ cold‚ snob and she only talks when needed and when she wants to. But she completely become a different person when she’s at home. Last but not the least‚ she’s beautiful. Wait. Let me rephrase that. She’s gorgeous but no one ever noticed it because she’s hiding her gorgeous face behind her nerdy glasses and messy hair.
“Kung nakakapatay lang ‘yang tingin‚ or should I say‚ titig mo ay malamang kanina pa ako nangingisay rito‚” walang emosyon niyang sabi saka siya umalis ng cafeteria bitbit na naman ang sandamakmak niyang libro na palagi niyang dala.
Agad ko siyang hinabol at nang malapitan ko siya ay hinawakan ko siya sa kaniyang pupulsuhan para pigilan siyang umalis.
Kailangan ko na siyang maisama pabalik ng Fantasia. Habang nagtatagal ako rito ay palapit din nang palapit ang pinakakinatatakutang katapusan ng lahat. Kailangan ko nang magmadali bago pa ako maubusan ng oras. Kinabukasan ng buong Fantasia ang nakasalalay rito kaya hindi ako maaaring mabigo.
“What?!” pasigaw niyang tanong na ikinagulat ko.
Ito ang unang beses na narinig ko siyang sumigaw. Usually‚ she’s just silently reading her books in the corner and most of the times‚ she’s in the garden. And when we did our business plan before‚ we didn’t talk that much and we’re both busy to have any argument because of the given task as I said.
“Can we talk?” tanong ko nang makabawi ako mula sa pagkagulat.
Binigyan niya ako ng nanunuyang tingin kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi niya.
“What do you think we’re doing? Hindi pa ba tayo nag-uusap?” mataray niyang sagot.
Mukhang wrong timing ang paglapit ko sa kaniya. Pero nandito na ako. Wala ng atrasan ‘to.
She’s really different. She’s not the usual nerd who is weak and quiet. I guess she’s just acting to be one but deep inside her‚ she’s a strong woman confined in the body of a fragile girl.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
FantasyIsang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan. Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang k...
