CHAPTER 65: GETTING HOPEFUL

1.3K 47 0
                                    

ALTHEA’S POV

Alas sais pa lang ay nakahanda na kami ni Ali para sa Thanksgiving Party na magaganap sa gabing ito. And yes‚ it’s my birthday today. Kaya nga ayaw ko sanang um-attend sa party para mas may oras ako sa sarili ko at dahil wala rin ako sa mood na dumalo sa pagdiriwang‚ knowing na kaarawan ko dapat ang ipinagdiriwang ko ngayon kasama si Jane sa halip na isang Thanksgiving Party na hindi naman para sa ‘kin. Pero wala naman akong pamimilian kundi ang dumalo pa rin sa pagdiriwang kahit ayaw ko. Lahat kasi ng mag-aaral sa akademya ay kinakailangang pumunta. Tapos dumagdag pa ang napakasigasig na si Tita Wendy na excited na excited para sa party. E sa sobrang excitement niya ay siya na ang bumili ng susuutin namin ni Ali na kahapon lang niya ibinigay sa ‘min pagkauwi namin galing akademya. At syempre‚ dahil ayoko namang masayang ang effort ni tita‚ wala talaga akong choice kundi ang pumunta sa pagdiriwang suot-suot ang dami at sapatos na binili ni Tita Wendy.

Ang suot ko ngayon ay isang black backless satin mini dress na ipinares ko sa black lace up heels na may taas na tatlong pulgada. At dahil itinali ni Tita Wendy ang buhok ko into a textured bun ay nakabalandra ang likuran ko.

Maganda naman sa paningin ko ang damit na pinili ni Tita Wendy kahit hindi ganitong uri ng damit ang gusto kong sinusuot. Ang kaso lang ay kita ang cleavage‚ sobrang ikli at hapit na hapit ito sa katawan ko kaya hindi ko maiwasang mapangiwi at maging maingat sa paggalaw ko.

Hindi na ako nagdala pa ng pouch o ano pa man dahil wala naman akong ibang kailangang bitbitin kundi ang sarili ko. Sa alahas naman ay iyong hindi gaanong malalaki at mabibigat ang pinili kong isuot sa lahat ng inialok sa akin ni Tita Wendy. Maging sa makeup ay pinili ko ring hindi ito gaanong kapalan kahit pa panay ang pagpupumilit ni Tita Wendy na hayaan ko siyang kapalan ang makeup ko. Ayaw ko naman kasing kapalan ang makeup ko at magsuot ng malalaking alahas kahit pa iyon ang bagay sa suot ko ayon kay Tita Wendy kasi hindi ako komportable. Mabigat at mainit siya sa katawan.

About my eyes and hair color‚ it’s still the same. Buong araw kong hinintay na magbago ang kulay ng mata at buhok ko pero wala talaga at isa lamang ang ibig sabihin nito. Mom and dad are not my biological parents since they did not give me the right date of the day I was born.

And about Ali‚ he’s wearing a classic black suit and a black formal trouser paired with a black tie-up shoes. Underneath his black suit is a long-sleeved collared white shirt.

Yeah‚ we have a matching outfit. Ewan ko nga kay Tita Wendy kung bakit sinadya niyang gawing terno ang damit namin ni Ali. But on the bright side‚ maganda rin naman na terno ang outfit namin kasi tumatayo namang partner ko si Ali. E feel na feel ko ngang hinawakan ang kanang siko niya bago kami mag-teleport paalis ng bahay nila at hanggang ngayong nakarating na kami sa tapat ng tarangkahan ng akademya na binabantayan ng apat na kawal mula sa apat na kaharian ay nakahawak pa rin ako sa siko niya.

Pagtapak pa lang ng paa namin ni Ali sa lupa sa labas ng akademya ay rinig na agad namin ang malakas na tugtog mula sa open field kung saan ang venue. Umabot din hanggang sa kinaroroonan namin ni Ali ang disco lights na hindi ko malaman kung paano nagkaroon sa mundong ‘to. Pero siguro ay likha lang ito ng kapangyarihan ng kung sinong charmer at hindi ito iyong normal na disco lights na ginagamitan ng kuryente.

“Handa ka na?” masuyong tanong ni Ali na nakapukaw ng atensyon ko at nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

“I was born ready‚” nakangiting sagot ko. Naging hudyat naman iyon para tuluyan na kaming pumasok ng akademya at para pumunta na kami sa venue.

Sa pagdating namin ng venue ay agad na bumungad sa akin ang napakaganda at napakamagical na paligid. Nagsabog ang mga pixie dust at nagkalat ang nagliliwanag na mga paruparu sa paligid. May artificial stage sa unahan at magical din ang theme nito. Ang background nito ay isang mini-forest at may apat na puting upuan ang nasa gitna nito na napapalamutian ng naggagandahang bulaklak. Maging ang podium na nasa gilid ng stage ay puno rin ng bulaklak.

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon