Mhica's Pov
Hindi ako makatiis na hindi magtanong.
"Ah, stephen ano ang buong pangalan ni chloe na pinag-uusapan niyo?" tanong ko kay stephen
Tumingin naman sila sa akin at napakunot-noo.
"Bakit?" takang tanong ni stephen
"Please. Sagutin mo na lang" sagot ko
"Chloe Tuazon" sabi ni stephen sa akin
Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko sa sagot ni stephen.
Kailangan ko muna makasigurado sa naiisip ko. Bigla akong tumakbo pabalik kina kuya kung saan sila kanina nagulat sila sa akin.
"Mhics, saan kayo pumunta? Kanina pa kami hanap ng hanap sa inyo" tanong ni gel
Pero hindi ko siya sinagot bumaling ako kay kuya bryan na takang tumingin sa akin.
"Kuya bryan, ano ang buong pangalan ni chloe na nililigawan mo?" tanong ko kay kuya
Napakunot-noo naman sila sa tanong ko gusto kong masagot na lahat ng mga tanong ko.
Kuya please, wag mong sabihin na chloe tuazon ang pangalan niya.
"Ha? Eh, bakit?" kunot-noong tanong ni kuya
"Basta, kuya sabihin mo na lang" sagot ko
Kumunot lalo yung noo nila.
Please, please, please sana hindi siya sana iba siya.
"Chloe Tuazon" sabi ni kuya
Sa sinabi ni kuya parang nag-slow mo sa utak ko ang sinabi niya at ang mga nalaman ko mas lalong sumikip ng sumikip ang dibdib ko.
"Bakit mhics?" tanong ni gel
Halong-halong emosyon ang nararamdaman ko parang nanghihina ang magtuhod ko nanghihina ako sa mga nalaman ko kaya biglang natumba ako mabuti na lang sinalo ako ni kuya drake.
"Bunso, ayos ka lang?" tanong ni kuya drake
"Mhics, anong nangyari sayo?" alalang tanong ni gel
"Princess, okay ka lang ba?" tanong ni kuya bryan
Hindi ako makatayo at bigla na lang ako na walan ng malay.
Nagising ako dahil sa nga boses na naririnig ko minulat ko ang mga mata ko nakita ko sina kuya na nakaupo sa tabi ko ganun din si gel nandito din sina jake at stephen nandito ako ngayon sa hospital bed hindi nila ako napansin.
"Ano ba ang nangyari kay mhica?" tanong ni jake
"Ang sabi ng doctor dahil daw sa pagod kaya siya nahimatay" sagot ni kuya bryan sa kanya
"Okay na ba si kyle? Wala bang na damage sa kanya? Bakit ba kasi na-aksidente siya?" tanong naman ni gel
"Oo, okay na si kyle mabuti na lang talaga walang may nabali na buto sa kanya. Ang bilis kasi ng pagmamaneho niya ng sasakyan kaya siya na-aksidente. Alam na ng mga magulang niya at dumating na din sila hinihintay na lang na magising siya" sagot ni stephen
"Mabuti naman kung ganun" sabi ni gel
"Ano ba ang nangyari kay mhica kanina? Pagkatapos magtanong biglang tumakbo tapos malalaman na lang natin na nahimatay siya?" tanong ni jake kay stephen
"Yun nga din ang pinagtataka namin eh nakita na lang namin siya na papunta sa amin tinanong ko kung nasaan kayo kasi kanina pa namin kayo hinahanap pero hindi ako sinagot bigla siyang nagtanong kay kuya bryan" sagot naman ni gel
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...