Mhica's Pov
Umaga na pero hanggang ngayon pumapasok pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni kyle kahapon.
Natatamaan talaga ako sa mga sinabi niya.
Mali ba ako?
Siya nga itong nakabangga ng kotse tapos nakipag-away.Siya pa ang galit kung hindi sana niya binilisan sa pagmamaneho hindi sana siya makakabangga. Mukhang kilala ni kyle yung lokong yun pero tama naman ang mga sinabi niya.
Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain tatayo na sana ako para gisingin si kyle sa kuwarto niya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at lumabas siya at dire-deretso papunta sa pinto bago pa niya mabuksan ang pinto nagsalita na ako.
"Kyle, kumain ka muna bago ka umalis"
Hindi niya ako pinansin tuluyan na siyang umalis. Hindi niya ako tiningnan. Hindi man lang siya nagsalita kahit isang salita. Hay, galit talaga siya sa akin.
Hihingi na sana ako sa kanya ngayon ng sorry sa sinabi ko sa kanya kahapon pero hindi naman niya ako pinansin.
Teka, naisip ko lang hindi niya hinayaan na ibigay ako sa mga lokong yun kahapon. Ngumiti ako ng malaki kahit ganyan ang ugali ni Kyle may itinatago din pa lang kabaitan pero konti nga lang.
I think 5%.
Kumain na lang akong mag-isa na may ngiti sa labi bgumiti akong kumakain pagkatapos kong kumain pumasok na din ako sa university.
Papasok ako ngayon sa classroom nakita ko agad si kyle sa upuan niya at as usual naka-headset siya. Tumabi ako sa kanya.
"Kyle, kumain kana ba?" tanong ko sa kanya
And as usual din hindi niya ako pinansin. Ano ba ang aasahan ko?Pansinin niya ako? Asa.
Tumingin ako sa paligid nagulat ako dahil lahat ng mga kaklase ko nasa akin ang tingin.
"Mhica, bakit mo tinatanong si kyle kung kumain na ba siya?" tanong ni Megan kaklase ko
"Ah, wala" sagot ko
May sasabihin pa sana siya ng dumating na si ma'am. Hay, natakot ako dun ah.
"Mhics, bakit ka ba nagtanong kay Kyle ng ganun? Mabuti na lang dumating si ma'am dahil kung hindi patay ka talaga" sabi ni Gel
"Eh, kasi kanina hindi kumain si kyle sa bahay kaya curious lang ako kung kumain na ba siya" sabi ko
Tumango-tango lang si gel.
Natapos na ang klase lumabas na kaming lahat.
Bigla kong naisip sina kuya.
"Gel, puntahan muna natin sina kuya miss ko na kasi yung dalawang yun eh" sabi ko tumango lang si gel
Pinuntahan namin sina kuya sa kabilang building. Iba-iba kasi yung building ng high school at ng college.
Nakita ko sila mabuti naman dahil magkasama sina kuya bryan at kuya drake pero hindi nila ako nakita meron silang pinag-uusapan.
"Kuya!" sumigaw ako lumingon naman sila sa akin
"Bunso!/Princess!" sigaw din nila
Tumakbo ako papunta sa kanila pinagtitinginan kami ng mga tao.
Niyakap ko sila niyakap din nila ako pabalik.
"Bunso, namiss ka talaga namin sobra" sabi ni kuya drake
Nang nakangiti kinalas ko na ang pagyakap sa kanila.
"Totoo, princess" sabi naman ni kuya bryan ng nakangiti
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...