Mhica's Pov
Nagising ako 5am na hindi na masakit ang katawan ko kaya lang tumunog ang tiyan ko. Hindi pala ako kumain ng dinner kagabi lumabas ako at magluluto ng breakfast pagkatapos kong magluto nilagay ko na sa mesa at pumasok ulit ako sa kuwarto ko at naligo dahil monday na ulit at may pasok na.
Pagkatapos kong naligo nagbihis na ako ng uniform at lumabas pagkalabas ko hindi ko nakita si kyle kaya pumunta ako sa kuwarto niya at kumatok ako ng tatlong beses.
Papahirapan niya ba ako na gisingin siya?
Pero okay lang makikita ko naman siya. Hinawakan ko yung doorknob bumukas ito at
Nabuhusan ako ng tubig.
Saan nanggaling yung tubig?
Ano na naman ba to?
Naman eh, nakabihis na ako ng uniform nabasa pa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
May naririnig akong tumatawa nilingon ko at nakita ko si Kyle.
Siya ba ang gumawa nito?
"Ano ba talaga ang gusto mo?" inis kong tanong sa kanya
Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin.
"You don't care what I want" cold niyang sabi
"Urgh. Saan nanggaling yung tubig? Bakit mo yun ginawa?" tanong ko
"Kailangan ko bang sagutin yang mga walang kuwenta mong tanong? Sino ba ang nagsabi sayo na pumasok ka dito sa kuwarto ko? Wala kang karapatan na pumasok dito ng walang pahintulot ko" cold niyang sabi
"Urghhhhh"
Nakakainis siya lumabas ako sa kuwarto niya pumasok ako sa kuwarto ko at naligo ulit at nagbihis kinuha ko na ang bag ko at lumabas.
Hindi na ako kumain bahala siya naiinis ako sa kanya urggghhhhh kahit na crush na crush ko yun at medyo natatakot ako sa kanya mababatukan ko talaga yun ng malakas.
Kahit na crush ko yun makakatikim sa akin yun dumeretso na ako sa school pumasok ako sa classroom at una kong nakita si gel nakaupo sa upuan niya pumunta ako sa kanya.
"Gel" sabi ko
Lumingon naman siya sa akin.
"Nandito kana pala mhics" sabi niya
"Obvious ba" sabi ko
Pilosopo rin ako minsan inirapan niya lang ako umupo ako sa upuan ko.
Tumingin lang siya sa akin pero hindi siya nagsasalita parang may hinihintay siya.
Ano naman yun?
"Gel, May hinihintay ka ba?" tanong ko
******PAKKKKKKKKK******
Bigla ba naman akong binatukan.
Anong problema niya?
"Aray ko naman, para saan yun?" tanong ko
"Magtatanong ka pa kung ano ang hinihintay ko, edi yung kuwento mo" sabi niya
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ano naman ang ikikuwento ko sa kanya?
Wala naman akong natandaan na meron akong ikikuwento sa kanya.
"Ano naman ang ikikuwento ko sayo?" tanong ko
Inirapan niya lang ako ano ba ang problema niya.
"Slow ka ba? Lumipat ka lang ng bahay naging slow kana" sabi niya
Naguguluhan talaga ako sa mga sinabi niya.
"Straight to the point ka nga naguguluhan ako sayo eh" sabi ko
Inirapan na naman niya ako.
"Sige na nga ako na ang magtatanong at sasagutin muna lang dahil hindi tayo matatapos nito" sabi niya
Tumango ako sa kanya.
Ang dami niya pang sinasabi magtatanong lang pala.
"Kamusta ang paglipat mo ng bahay kay kyle? Kinausap ka ba? Sinaktan ka ba ulit? Sabihin mo lang susugurin ko talaga yun" tanong niya
Yun lang naman pala ang tatanungin niya madami pang sinasabi.
"Wag ka ngang praning diyan. Ikukuwento ko sayo mamaya sa cafeteria dahil papasok na si ma'am" sabi ko
Tumango lang siya.
Pumasok si ma'am classroom at nagsimula ng magturo habang nagtuturo si ma'am may biglang pumasok.
Si kyle pala pero teka...
Bakit may pasa siya sa pisngi?
Nakipag-away na naman ba siya?
Dumeretso lang siya sa upuan niya at umupo katabi niya si gel hindi pa rin pala kami nagpapalit ng upuan ni gel mamaya kakausapin ko si gel.
Break time na nandito na kami sa cafeteria umorder na kami ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan.
"Bilis magkuwento kana" sabi ni gel
Hatalang hindi siya excited ah.
"Excited? Ito na nga....."
Sinabi ko sa kanya lahat para hindi na siya magtanong.
"Alam mo mhics, sinasadya niya talaga ang mga ginawa niya. Siyempre para umalis ka na lang dahil hindi muna makayanan ang mga ginagawa niya" sabi ni gel
Oo nga no, may point siya.
"Sabagay may point ka noo hindi ako aalis ng ganun na lang no ang dad niya yung nagbayad ng mga gastusin sa hospital ni papa hindi ako aalis hanggat hindi sinasabi ng dad niya" sabi ko
Tumango-tango lang si gel.
"Basta mag-iingat ka pa rin" sabi ni gel tumango lang ako
"Nga pala gel, puwede ba na magpalit na tayo ng upuan" sabi ko nag-isip siya ng malalim
"Sige, pero sa isang kondisyon" sabi niya
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"May nalalaman ka pang kondisyon diyan. Ano yang kondisyon mo?" tanong ko
Ngumisi lang siya.
Ano na naman ba ang iniisip nang babae na to.
What???
Magagawa ko kaya to???
Kasi naman eh may nalalaman pa siyang kondisyon.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...