Chapter 75: Memories

17 2 0
                                    


Kyle


Mabuti na lang luma na ang pintuan kaya madali itong sirain hindi ako sigurado kung siya ba ang nasa loob o hindi pero malakas ang kutob ko at biglang ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ang importante ngayon kung ano o sino ang nasa loob ililigtas ko muna kung sino man ang nasa loob hindi naman ako ganito dati pero ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Tsk.

Bahala na patuloy pa rin ako sa pagsira ng pintuan at sa wakas na sira ko ito at agad akong pumasok sa loob nilibot ko ang mata ko at dahan-dahan na pinakiramdaman ang paligid. Puro sirang-sirang upuan at mesa at blackboard ang nakita ko dito. Hindi na din to pinapasukan ng ibang estudyante dahil sira na at luma. Nakasirado ang pinto

"Sino ang nan-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang taong nandito. Nanlaki ang mata ko sa gulat mas lalong kumabog sa kaba at takot ang dibdib ko.

"F*ck! Mhica!" sigaw ko

"Shit!"

Ilang ulit na ako napamura dahil sa nasaksihan ng dalawang mata ko. Hindi ko alam kung bakit habang lumalapit ako sa kanya bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Kumaripas ako ng takbo at agad ko siyang nilapitan nakita ko siyang nakahiga sa sahig puno ng kalmot ang mukha at pati sa katawan halos nga hindi ko na siya makilala.

Madami na ding dugo ang lumalabas sa katawan niya na sanhi ng mga sugat niya na halatang kagagawa lang. Shit! Fuck! Meron pang mga dugo ang iba't-ibang bahagi ng sahig dito sa loob ng lumang classroom. Sa tingin ko sinabunutan siya base sa ayos ng kanyang buhok. Kinalabahan at naaawa ako sa kalagayan niya.

Who did this? Humanda lang sa akin when I find out who did this to her. Mananagot ng malaki kapag nalaman ko lang. Hindi ka o kayo makakapagtago sa akin.

"Mhica! Gising! Gumising ka!" alala kong sigaw at agad-agad ko siyang binuhat.

"Please. Don't you dare sleep!"

Ilang beses ko na ba siyang nakita sa ganitong sitwasyon? Kung hindi malala nasusugatan naman ang ibang parte ng katawan niya. Bullshit this! Ang dami niyang sugat ngayon.

"Mhica! Please! Desperate girl! I need you!"

"Alam kong makakaya mo to. Kaya please don't give up."

Nakapikit siya habang buhat-buhat ko pero ramdam kong humihinga pa siya medyo gumaan ng konti ang kabang nararamdaman ko dahil alam kong buhay pa siya. Tumakbo na ako para lumabas ng biglang magsalita siya.

"B-blake" utal niyang sabi pero nakapikit pa rin.

Napahinto ako sa pagtakbo at tumingin sa kanya ng gulat bigla akong natulala sa narinig ko at bumalik sa alala ko ang isang alala na nakalimutan ko na. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalang Blake. She's my childhood bestfriend and also my first love.

"Mhica!" sigaw ko ulit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Shit! Shit! Wag kang matulog!"

Tumakbo na ako nang mabilis papunta sa labas at kumaripas ng takbo habang buhat-buhat ko siya. Walang mga estudyante ang nasa daan dahil nasa loob silang lahat ng gymnasium at malapit na ako sa gate dahil sa bilis ng takbo ko.

Konting tiis na lang madadala na kita sa hospital kaya sana lumaban ka at wag kang matulog. Nakita ko na sa labas ng gate ang kotse ko at nasa harap ng kotse nakatayo si Jake napalingon siya sa akin at lumaki ang mata niya sa gulat at napanganga pa.

Mabilis din siyang kumilos ng malapit na ako binuksan niya ang kotse sa backseat at pumasok ako ng dahan-dahan at umupo ng maayos sinirado niya ang pinto at pumasok siya sa driver seat at pinaharorot ang kotse ng mabilis. Hindi ko na siya kailangan pang sabihan ng gagawin niya dahil alam niya na ang gagawin at isa pa pangalawang beses na to'ng nangyari. Mabilis kaming nakapunta ng KB Hospital dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Jake.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon