Chapter 81: Let's Stop This

22 2 0
                                    

Mhica


Nagising ako dahil naramdaman kong may humihimas sa buhok ko napatingin ako sa gilid ko nasa tabi ko si Gel.

"Mabuti at nagising kana Mhics" sabi niya at inalalayan ako paupo nilibot ko ang mata ko sa paligid. Nasa kwarto ako ngayon sa bahay ni Blake. Teka, anong nangyari matapos akong mawalan ng malay?

"Kunot na kunot yang noo mo Mhics. Sige na nga ipapaliwanag ko sayo ang ginawa mo na namang katangahan kung bakit nandito ka ngayon" sabi niya tumango ako sa kanya.

"Nung mawalan ka ng malay diniretso ka agad dito ni Kyle at pinapunta dito ang kilala niyang doctor at dito ka pina-check at tinawagan kaming lahat at pinapunta dito sa bahay niyo. Ang sabi ng doctor wala naman daw malalang nangyari sayo. Pagod lang dulot ng stress at isa pa ang dami mong nakuhang usok galing sa apoy ng bahay niyo kaya ka nahimatay. Don't worry Mhics, okay kana" sabi niya napabuntong-hininga na lang ako at tumango sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin. Bakit ka pumunta doon sa bahay niyong nasusunog? Sinabi sa amin ni kuya Bryan na nandito ka daw sa bahay ni Kyle dito kayo galing bago kayo pumunta ng bahay mo" sabi niya

"Alam mong delikado pero pumunta ka pa at pumasok pa kayo sa loob na nasusunog na lahat. Mhics, naman nasaan ba ang isip mo ngayon? Bakit padalos-dalos yang desisyon mo?" galit niyang tanong napabuntong-hininga ako bago siya sagutin.

"Alam ko naman Gel pero kasi may kailangan lang akong kunin sa bahay."

"At ano naman yun?" taas kilay niyang tanong

Tinaas ko ang bracelet na suot ko. Tiningnan ko ng mabuti ang bracelet. Bumalik sa alaala ko ang nangyari matapos akong mawalan ng malay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin. He kissed me. He really did. Napasingkit ang mata niyang nakatingin sa silver bracelet na may mga diamonds crystal na design.

"Yan? Yan lang ang kukunin mo binuwis mo ang buhay mo? Hindi. Ang buhay niyong dalawa. Mhics, naman bakit ba hindi ka nag-iisip ng tama?... Teka nga..." nanlaki ang mata niyang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa bracelet. Ngayon niya lang naintindihan.

"That thing..."

"Oo, ito nga ang bracelet na to. Ang matagal ko ng tinago at iningatan ng mabuti kaya hindi pwedeng mawala to ng basta."

"Mahalaga talaga sayo ang taong nagbigay sayo ng bracelet na yan dahil hindi mo ibubuwis ang sariling buhay mo sa bagay na hindi importante sayo" sabi niya sabay iling.

"I just remember. Yan ang bracelet na binigay sayo ni Kyle noong mga bata pa kayo hindi ba?" tanong niya sabay crossed arms

"Oo, ito nga yun. Hindi ko kayang itapon lang to at pabayaan. Kilala mo naman ako diba? Hindi ako basta makalimot."

"Hindi mo magawa dahil mahal mo nga siya. Ano ba ang mahirap intindihin dun Mhics? Bakit ba pinapahirapan mo pa yang sarili mo kung pwede mo namang sabihin sa kanya?" inis niyang sabi

"Ano bang kinatatakutan mo, ha? Mareject? Mapahiya? Mhics, walang mangyayari kung hindi mo susubukan" sabi niya nakatingin lang ako sa kanya at umiling at umiwas ng tingin.

Tama nga siya sa sinabi niya. Natatakot ako sa anumang mangyari kapag umamin ako kahit kailan hindi ako aamin at wala akong aaminin.

"I won't do anything stupid, Gel."

"Stupid? Anong stupid? Mhics, naman eh. Stupid yang tawag mo kahit aamin ka lang? For your information hindi mali ang pag-amin ng nararamdaman. Ikaw lang ang pumipigil sa sarili mo" sabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero tumingin ulit ako ng matagal sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari. Balak ko bang sabihin sa kanya o hindi?

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon