Chapter 3: Win

89 9 0
                                    

Mhica's Pov

Gumising na ako naligo atsaka lumabas para kumain nakita ko sina Mama, Papa, kuya Drake at kuya Bryan.

"Good Morning, po" ngiting sabi ko

"Princess, nandito kana pala" sabi ni kuya Bryan

Si kuya Bryan at Papa ang tumatawag sa akin na princess dahil prinsesa daw nila ako at dahil ako lang ang nag-iisang babae. Si kuya Drake naman ay bunso ang tawag sa akin.

"Good Morning din, bunso" sabi ni kuya Drake ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya

"Bunso, bakit hindi mo ako pinansin kahapon?" tanong ni kuya Drake at nag pout pa

Pfftt. HAHAHAHAHAHAHAHA. Parang pato hindi bagay.

"Wala po ako sa mood kahapon kuya eh" sabi ko na natatawa

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya at nagpout na naman humagalpak na ako ng tawa tumawa na din si kuya Bryan.

"Bakit ba kayo tumatawa?" inis na sabi ni kuya Drake

"Kuya, wag ka kasi magpout nagmumukha kang pato eh" sabi ni kuya Bryan kaya tumawa ulit kami.

"Oh, siya tama na yan at magsimula na kayong kumain at para hindi kayo ma-late sa mga klase niyo" sabi ni mama. Si mama naman ang taga-awat sa amin tumigil naman kami sa pagtawa at nagsimula ng kumain bigla naman umubo si papa.

"Hon, okay ka lang ba?" tanong ni mama kay papa

"Oo, wala lang ito" sabi ni Papa tumango na lang si Mama. Natapos na kaming kumain nag-text sa akin si Gel na mauuna na siya sa school kaya sumabay na lang ako kina kuya. Si kuya Drake ay 4th year college graduating na this year taking up Bachelor of Science in Accountancy Habang si kuya Bryan naman ay 2nd year college taking up Bachelor of Science in Information Technology.

Ang tatalino ng mga kuya ko kagaya ko. Lahat naman kami ay matalino at ako ay grade 10 same school lang ang pinapasukan namin. Habang papasok na kami ng university ay maraming mga babae ang tumititig sa mga kuya ko dahil sa lakas ng appeal nila hindi mapagkaila na ang guwapo nila.

"Lakas ng appeal niyo ah" sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila at ginulo ni kuya Bryan ang buhok ko.

"Aba dapat lang. Ang guwapo kaya kami" sabi kuya Drake

"Yabang ah" sabi ko

"Wag kang mag-alala princess, maganda ka din naman at walang pangit sa atin" sabi ni kuya Bryan

"I know right" sabi ko. Natawa na lang kami. Hinatid nila ako sa classroom at nagpaalam na ako sa kanila. Umupo naman ako sa upuan ko tumingin ako sa katabi kong upuan wala pang nakaupo. Wala pa si Kyle.

"Mhics. Ano handa ka na ba?" tanong sa akin ni Gel. Tumingin naman ako sa kanya.

"Oo naman. Ako pa" taas noong sagot ko

"Ito na ang simula ng dare mo, remember?" tanong niya

"I know" sabi ko. Dumating na ang guro namin kasabay si Kyle tiningnan ko lang si Kyle. Paano ko ba gagawin?Paano niya ako makakausap? Hindi puwedeng magsalita. Wala akong maisip na gawin kaya minasdan ko na lang siya hanggang sa mag-uwian na hindi niya ako kinausap.

Umuwi ako ng malungkot nang ikalawang araw na ay wala pa din at sumunod ang ikatlo wala pa ring nangyayari. Sinasabihan na ako ni gel na hindi ko magagawa sabi ko lang sa kanya na magagawa ko kung ano-ano na ang pinapakita ko wala pa ring epekto sa kanya.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Nagmumukha na nga akong tanga sa mga ginagawa ko at araw-araw ko lang minamasdan ang mukha ni kyle kahit gustong-gusto ko na siya makausap.

Ikaapat na araw ko na ngayon at bukas na ang last day ng dare sa akin ni Gel kapag hindi ko pa to magawa ay kakalimutan ko na lang siya? Hindi ko yata kaya yun.

Ngayong araw ay tinodo ko na talaga ang ginawa ko nag-wacky face ako sa kanya nag-mukha lang akong timang. Wala pa din siyang reaction kahit tingin ay wala.

Ano ba ang dapat kong gawin Tinatawanan na lang ako ni Gel inirapan ko lang siya kasi naman bakit ko ba tinanggap ang dare niya?

Minasdan ng minasdan ko na lang si kyle. Arghhh! Suko na ako hindi ko pala kaya.

Huhuhuhuhuhuhuhuhu.

Parang iiyak na talaga ako kapag hindi niya pa ako kinausap. Araw-araw pa rin siya nakikipag-away hindi na siya nagbago at takot pa rin ang mga kaklase ko sa kanya pero wala akong pakialam hanggang sa mag-uwian na ay wala pa rin akong narinig mula sa kanya kahit isang salita man lang.

"Oh. Ano na Mhics? Sumuko kana kasi sabi ko naman sayo tigilan mo na ang pagkagusto mo sa kanya wala ka naman mapapala eh" sabi niya

"Ayoko, atsaka may isang araw pa akong natitira at sisiguraduhin ko na kakausapin niya ako" taas noong sabi ko. Confident level 1000 na ako ngayon.

"Well. Goodluck na lang sayo" sabi niya. Nagpaalam na siya sa akin nandito na ako sa bahay pumasok na ako sa kuwarto wala na talaga akong magagawa.

Hanggang tingin na lang ba ako sayo?

At natulog na ako nagising na ko ngayong araw na ang huli kung hindi pa niya ako kakausapin ay wala na talaga akong magagawa. Nakakalungkot naman na hanggang tingin lang ako. Pumasok na ako ng classroom at umupo na. Nakita ko si Gel na ngiting-ngiti.

Hmp.

Tiningnan ko lang ang katabi ko kahit hindi niya nakikita hanggang nagbreak time ay wala pa din talagang himalang nangyayari parang gusto ko ng umiyak.

"Ano na? Move on na kasi. Sinasabi ko sayo Mhics, wala talagang mangyayari at wala kang mapapala" sabi niya na ngiting-ngiti kanina pa siyang nakangiti

"Hindi pa nga natatapos ang araw kaya may pag-asa pa" sabi ko. Umiling lang siya na para bang wala ng pag-asa.

Meron pa. Pumasok na kami ng classroom. Nakita ko si Kyle na naka-earphones kaya minasdan ko na lang ang mukha niya nang biglang tumingin siya sa akin.

Last na ba to Kyle? Ayaw mo ba talaga sa akin? Hindi mo ba talaga ako kakausapin?

"Excuse me. Alam mo miss nakakairita na ang titig
mo, araw-araw na lang puwede
ba tigilan mo na" cold niyang sab. Nagulat ako ng magsalita siya bigla tumingin naman sa amin si Gel na nagulat din kagaya ko.

WAAAAAAHHHHH!

Sa wakas kinausap niya din ako kaya sa sobrang saya ko ay bigla ko siyang niyakap.

--------

Enjoy reading! ^‿^

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon