Chapter 74: Mhica's Missing

21 2 0
                                    

Kyle


Hindi ko na kilala ang sarili ko ng nasa bahay niya ako at kaharap ang mga magulang at mga kuya niya. Hindi ko kailanman inisip na gagawin yun at magagawa ko nga yun higit sa lahat hindi ko na kilala ang sarili ko kapag nagsasalita sa harap ng mga kuya niya at sa kanya. Nagtataka at nalilito din ako sa sarili ko kung ano na ba ang nangyayari sa akin sa bawat araw dahil hindi talaga ako to noon parang bigla akong nagbago sa araw-araw. Hindi ko na alam.

I don't know what I did wrong to her these past few weeks. It all started when before my birthday she didn't really pay attention to me even there in Cebu at our resort. Our activity just ended and she doesn't pay attention to me or even look at me and until now I didn't ask her to pay attention to me but it was very obvious that she was ashamed of me because that's what I used to do to her.

Dalawang linggo na ng gumaling siya sa lagnat niya at nakauwi siya galing sa kanilang bahay pero kung tratuhin niya ako ngayon parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Hindi ko alam kung sinasadya niyang gawin to para maghiganti sa akin o ano bigla-bigla na lang siya umaktong ganito sa harap ko hindi ko siya maintindihan. Tsk. Hindi ko naman talaga siya maintindihan kahit noon pa man dahil pa bago bago siya ang hirap intindihin.

Simula nung bumalik kami galing ng activity ay hindi ko na talaga alam pa ang ginagawa ko para bang bigla-bigla ko na lang ginagawa na pati ako nagugulat mismo sa sarili ko. Nung naghuhugas ako sa bahay niya at katabi ko lang siya bigla niyang sinabi na sumakit ang ulo niya bakas sa mukha ko ang matinding pag-aalala para sa kanya.

Hindi ko na itatanggi na nag-aalala ako sa kanya nung nawalan siya ng malay sa mga bisig ko bigla na lang akong nakaramdam ng kaba ulit at dahil na naman sa kanya. Ako pa nga ang nag-inject sa kanya dahil hindi marunong ang mga kuya niya. Nagtataka lang ako hindi ko alam ang sakit niya. Bakit kinakailangan pa niya ng injection bilang gamot? Marami pa akong hindi alam sa kanya.

Aaminin ko namiss ko yung titig niya sa akin tumigil lang nung tapos na ang activities namin sa Cebu. Hindi ko na talaga alam ang iniisip ko ngayon at kung bakit ko naisip na namiss ko ang titig niya sa akin. Yung titig na kahit nakapikit ako ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin pero ngayon nagkabaliktad kami. Ako na ngayon ang nakakatitig sa kanya.

First time kong magpunta sa bahay niya. First ko ding mameet ang pamilya niya ang mga kuya at mga magulang niya at isa pang first time doon ako natulog sa bahay niya. Maraming first time ang nangyari nun. Hindi sana ako matutulog sa kanila kung hindi lang umulan.

Nagtataka ako sa kinikilos niya lumabas siya habang umuulan nung balak ko ng umuwi. Pinayungan niya ako sa labas ng bahay niya nagulat ako sa ginawa niya may sakit pa nga pero lumabas na. Pinayagan niya akong matulog sa kanila kahit bakas pa rin sa mukha niya ang inis niya sa akin ang di gusto na nandun ako sa bahay niya.

Nung araw na yun ang dami-dami niyang ginawa na first time kong makita at sa sarili ko din kung ano-ano ang pinagagawa ko sa harap niya. Nagtataka na ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati. Hindi naman talaga ako ganito. Hindi nga ako mautusan pero ang mga kuya niya isang sabi lang ginagawa ko na agad. Tsk. Nakausap ko ng maayos ang mga kuya at mga magulang niya at mabuting tao silang lahat naramdaman ko nga welcome ako sa bahay nila.

Nagulat na lang ako na may lutong pagkain na sa mesa kinaumagahan nung monday pagising ko hindi ko alam na umuwi na nga siya at hindi niya man lang pinaalam sa akin na uuwi siya. Akala ko nung nagkausap na kami ng maayos sa bahay niya okay na kami na wala ng problema dahil nakapag-sorry naman ako sa harap niya pero akala ko lang pala nung umuwi siya simula na yun na hindi na naman niya pagpansin sa akin. Wala naman akong naalala na ginawa ko sa kanya kaya bakit hindi niya na naman ako pinapansin.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon