Mhica
Hindi ko inakala na matatapos ang lahat sa ganito. Hindi ko inaasahan na kinabukasan pagkatapos ng birthday ko ay ang pagkawala ni Matt. Wala na siya. Hindi ko na siya ulit makikita ng nakangiti. Hindi ko na siya ulit masisilayan pang nakatingin sa akin. Hindi ko na siya makakasama pa. Hinding-hindi ko to matatanggap. I will never accept this. Buhay siya at humihinga siya.Bakit ganito? Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng to? Bakit nawala sa akin ang best friend ko sa araw ng birthday ko? Bakit sa dinami-dami ng araw bakit sa birthday ko pa nac/gkataon? Naalala ko bigla kung hindi sana ako tumakbo palabas at kung hindi sana ako nagalit at kung hindi ko pinairal ang katigasan ng ulo ko hindi mangyayari to. Kasalanan ko to. Kasalanan ko pala to.
Dinamay ko siya sa kalokohan ko kaya ngayon ito na ang karma sa akin. Nawala na siya at wala na siya sa mundong to. Hindi ko na siya kailanman makikita pang nakangiti. Wala na ang taong nandiyan palagi sa tabi ko. Wala na ang taong dumadamay parati sa problema ko. Wala na ang taong palaging nag-aalala sa akin. Ako ang pumatay sa kanya. Wala ng iba kundi ako. Kung hindi ako nagpadalos-dalos sa desisyon ko buhay pa sana siya. Buhay pa sana siya at hindi napahamak.
Iyak ako ng iyak at walang tigil sa paghagulhol habang nakaupo sa kama sa loob ng isang private room sa hospital kung nasaan ako ngayon. Isang araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat-lahat. Walang may nagtangkang kumausap sa akin dahil wala naman akong balak na magsalita o sagutin sila. Kagabi din pumunta dito ang pamilya niya. Ang Dad niya at si Autumn. Hindi ko sila magawang harapin dahil nagsisisi ako sa ginawa ko. Kung hindi ako umalis hindi sana nagkaganito ang sitwasyon at sana buhay pa ang best friend ko. Ayoko ng mabuhay pa. Nawala na sa akin si Matt. Ano ng gagawin ko ngayon?
Mas dumoble ang sakit sa puso ko at ang dalamhati ko tuwing iniisip kong kasalanan ko talaga ang lahat. Kung hindi dahil sa akin sana buhay pa siya ngayon. May naramdaman akong yumakap sa akin hindi ko na nagawang tingnan pa dahil sa pabango pa lang niya at sa amoy ay kilala ko na siya kahit hindi ko na lingonin pa.
Wala akong lakas para alisin ang pagyakap niya kaya hinayaan ko siyang yakapin ako. Umiiyak ako sa balikat ni Blake at hinimas-himas niya naman ng dahan-dahan ang likod ko. Ilang minutong nakayakap siya ay hindi siya kumalas nakayakap pa rin siya sa akin kaya hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko kundi yakapin din siya pabalik. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Ayokong iwan niya din ako. Ayokong pati siya ay mawala din. Baka sa pagkakataon na yun ay mabaliw na ako ng tuluyan.
One week had passed at wala pa rin ako pinagbago. Wala pa rin akong gana sa lahat. Wala akong gana sa buhay. Buhay nga ako pero parang patay naman ako sa kaloob-looban ko dahil hindi ko na talaga makakasama pa ulit si Matt. Yun na yun ang huling pag-uusap namin sa loob ng sasakyan niya. Masakit na masakit pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi ko pa rin matanggap at hindi yun kadaling matanggap at hindi ko talaga to matatanggap. Bakit ganun? Bakit iniwan niya ako? May paraan pa naman sana pero hindi niya sinunod.
Sa loob ng isang linggo ay iyak pa rin ako ng iyak at walang tigil sa paglandas ang mga luha ko kahit gusto ko ng tumigil at pigilan na lumabas pero hindi ko magawa dahil masakit na masakit pa rin parang pinipiga ang puso sa tuwing iniisip kong wala na.. Pakiramdam ko kapag tumigil ako sa pag-iyak ay walang kwenta akong kaibigan. Isang linggo na halos wala akong ganang kumain. Pinipilit lang nila Mama, Papa at nina kuya at si Gel pati din si Blake na kumain ako dahil wala talaga akong gana kahit pag-inom ng tubig hindi ko pa magawa sa isang araw. Sinusubuan nila ako kapag sa tingin nila hindi ako kumain.
Wala ni isang salita ang lumabas mula sa bibig ko simula nung marinig ko mismo ang anunsyo ng doctor. Hindi na ako nagsasalita dahil wala akong ganang magsalita dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako kahit isang letra ay mapapagod ako pati pagsasalita nawalan na ako ng gana. Tango at iling lang ang ginagawa ko kapag tinatanong nila ako at alam kong naiintindihan nilang lahat ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...