Chapter 55: False Accusation

20 5 0
                                    

Mhica

Akala ko papunta na kami sa labas pero huminto si Kyle sa isang store ng mga hairpin at kung ano-ano lahat ng para sa babae kulay pink nga ang buong store babae na babae talaga iba iba din ang paninda pero pambabae lang pumasok sa loob si Kyle sumunod din ako kilala na naman siya sa store na to ang pangalan ng store ay Triple B.

Ano bang gagawin niya dito? Nakatitig lang ako sa kanya kung ano ang sunod niyang gagawin. Nakita kong kinuha niya ang isang headband na kulay pink at nagulat ako dahil nilagay niya sa ulo ni baby Fara ang headband. Bagay kay baby kanina pa naubos ni baby ang kinakain niyang ice cream nakita kong may dumi sa mukha niya dahil sa ice cream.

Wala akong dalang panyo pinunasan ko gamit ang damit ko sa dulo at nawala nga ang dumi sa mukha niya napangiti ako ang ganda talaga ng pinsan ko ang cute pa.

"Kukunin ko na yan at ito" rinig kong sabi ni Kyle tumingin ako sa kanya at binigay niya sa akin ang isang panyo na kulay pink na nakabalot pa sa plastic tinanggap ko naman

Para saan to?

Bumalik na ang tingin niya sa mga paninda nakita kong may kinuna siyang isang pares ng hairpin at sinabi niya din na kukunin niya pinabalot niya sa magandang lalagyan ang hairpin ang cute nung hairpin kulay light pink at may kinuha naman siyang isang bracelet na silver. Tumingin siya sa akin at bahagya akong nagulat dahil inabot niya sa akin ang bracelet.

"Kunin mo" cold niyang sabi kinuha ko naman ang bracelet ang ganda ng bracelet meron namang design sinuot ko titingnan ko lang kung bagay sa akin

Ang gandang tingnan sa pulsuhan ko.

"Kukunin ko na din to" sabi niya at tumingin ulit sa akin

"It's a sorry gift. I know you know what I mean" cold niyang sabi

Ano daw?

"Huh?" taka kong tanong

"I said I'm sorry" cold niyang sabi at naunang maglakad

Teka, ang ibig niyang sabihin ay regalo niya to sa akin dahil sa sinabi niya sa akin kanina? Nag-sorry siya dahil sa sinabi niya?

Waahhh!

Bumilis ang tibok ng puso ko gusto kong sumigaw sa kilig at tuwa masaya na ako ngayon yung pag-iyak ko kanina napalitan ng saya.

Apology accepted!

Thank you!

Napasaya mo ako ngayong araw Kyle. Hinawakan ko ang bracelet sa pulsuhan ko kilig na kilig pa rin ako. Tinulak ko na ang stroller at sinundan na si Kyle lumabas na siya sa mall at pumunta ng parking lot sumunod din ako nakangiti akong naglalakad ngayon nadatnan ko siyang nasa loob na siya ng sasakyan niya. Teka, paano ko ilalagay ang stroller sa loob ng sasakyan niya? Pinasok ko muna sa loob ng sasakyan si baby Fara hinawakan ko ang stroller sa hawakan ng may kamay akong nahawakan tiningnan ko at kamay ni Kyle ang nahawakan ko nakatingin siya sa akin.

May kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko bumilis naman ang tibok ng puso ko kinabahan ako na ewan mabilis kong kinuha ang kamay ko.

"Get inside" cold niyang sabi dali dali naman akong pumasok sa loob at kinarga si baby Fara paupo sa lap ko nakatingin ako kay Kyle tinupi niya ang stroller at nilagay sa likod ng kotse niya.

Nandito pa rin ang tibok ng puso ko na ang bilis bilis hindi bumabagal kinilig ako dahil nahawakan ko ang kamay niyang hindi sinasadya. Nakangiti ako ng matamis pumasok na siya sa driver seat at nagsimula ng magmaneho.

"Kyle, apology accepted at maraming salamat" nakangiting sabi ko hindi niya ako nilingon

"Tsk"

Teka, ano na bang oras ngayon?

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon