Chapter 62: Preparation

40 4 0
                                    

Mhica

Gustong-gusto ko ng humingi sa kanya ng tawad dahil nasa isip ko pa rin ang mga ginawa kong kasalanan sa kanya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung hindi ako humihingi ng tawad sa kanya kahit hindi niya ako patawarin. Tiningnan ko si Matt sa mga mata niya tumingin din siya sa akin at kumunot ang noo.

"Matt, puwede na ba tayong mag-usap?" tanong ko bahagya siyang nagulat at ngumiti din.

"Okay, sige puwede na tayong mag-usap doon muna tayo sa gilid" ngiting sabi niya at pumunta kami sa gilid nf swimming pool mabuti na lang talaga hindi masyadong mainit.

Bakit ba siya ngumingiti? Hindi ba dapat hindi na siya ngumiti sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon pero ito siya nakangiti na parang wala akong ginawa. Matt wag ka namang ganyan dahil ako ang nasasaktan para sayo. Bakit parang ako ang nasasaktan sa kanya?

"Matt, about last night I just want to say I'm sorry. Hindi ko naman kasi sinadyang gawin at sabihin sayo yun. Sorry, sorry talaga. Hindi ko na alam ang pinagagawa ko nun kinuwento lang sa akin lahat kanina ni Gel at maling-mali ang ginawa ko. I'm sorry"

"Mhie, puwede ba kitang mayakap?" ngiting tanong niya bahagya akong nagulat pero ako na ang unang yumakap sa kanya kailangan niya ako ngayon at niyakap niya din ako ng mahigpit pabalik.

I'm really sorry Matt. Ang tanga ko eh. Mahalaga ka sa akin pero ako si tanga sinaktan lang kita. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sayo. Sobra ang pagsisisi ko

"Alam kong hindi mo ako mapapatawad Matt kaya I'm really sorry pa rin. Tanga kasi ako"

"Shhhhss. Don't be too harsh to yourself. Wag ka ng ma-guilty sa ginawa mo sa akin
Mhie. Naiintindihan kita at iintindihin kita dahil mahal kita" sabi niya at bumitaw sa pagyakap sa akin gulat na gulat ako sa sinabi niya lumaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Matt naman eh.

I'm really sorry. Hindi ko alam sa sarili ko pero biglang tumulo ang luha ko sa mga mata ko hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan niya ng dalawang kamay niya ang mata kong patuloy na lumuluha. Hindi ko mapigilan ang lumuha dahil ako ang nasasaktan sa kanya. I'm really really sorry Matt.

"Mhie, please wag kang umiyak. Ayokong nakikita kitang umiyak" alalang sabi niya at pinupunasan pa rin ang mukha ko bahagya akong ngumiti at tumango hinaplos niya ang mukha ko atsaka nginitian ako.

Ang sakit sakit ng nakikita ko ngayon. Mahal niya pa rin ako kahit dalawang beses ko na siyang binasted. Napakawalang kuwenta kong tao dahil hindi ko siya kayang mahalin pabalik kagaya ng binibigay niyang pagmamahal sa akin.

"I'm really sorry-"

"Shhhsss. Okay na, nakahingi kana ng sorry sa akin ayos na yung isang beses kang humingi ng tawad dahil I really appreciated" ngiting sabi niya

"Matt-"

Hindi na naman niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Hindi ko alam Mhie, kung bakit hindi kita makakalimutan hanggang ngayon. Kung bakit ikaw pa rin. Ewan ko ba mahal na mahal kita eh. Ganyan talaga siguro kapag tunay mong mahal ang isang tao hindi mo makakalimutan at hindi ka makakamove-on agad ng mabilisan. I'm sorry dahil minahal kita ng sobra at alam ko naman sa umpisa pa lang na hindi mo talaga ako kayang mahalin pabalik. Noong mga bata pa tayo hindi mo din tinanggap ang pagmamahal ko sayo diba? Noong mga panahon na yun akala ko crush lang kita akala ko infatuation lang yung bang nagustuhan lang kita bigla pero hindi eh. Noon pa man mahal na talaga kita at umabot hanggang ngayon. Ikaw lang ang minahal ko ng sobra Mhie" mahabang nakangiti niyang sabi bigla na naman bumuhos ang mga luha ko napigilan ko na yun sa paglabas eh nakakainis bumuhos naman ulit.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon