Chapter 92: The Discipliner & The Bodyguard

7 2 1
                                    

Mhica


Nang matapos ang pag-uusap naming yun ay agad na sinimulan niya akong ligawan ng may pahintulot ko. He is really happy when I said yes when he asked me if I will allow him to court me. The smile are also visible on his eyes when I said yes to him. I'm also happy right now because the one I love are now courting me for real. Para bang nanaginip ako ng gising at ayoko ng magising pa.

Pagkasabi ko ng Oo sa tanong niya kung pwede niya na ba akong ligawan ay binigyan niya agad ako ng bouquet of red roses. Nagulat ako dahil may bulaklak agad siya at sampung libro na gustong-gusto kong basahin last month. Different stories and genres. Sina kuya lang ang sinabihan ko nito. Paano niya nalaman? Sinabi siguro sa kanya nina kuya. Ang ingay talaga ng mga yun.

Hindi kami umuwi dahil lahat kami ay sa mansyon ng Smith nagpalipas ng gabi dahil hindi matigil ang kwentuhan nina Tita at Mama at napainom naman ang apat na lalaki na sina Papa, Tito at sina kuya dahil celebration daw para sa amin. Sila lang ang nagse-celebrate eh. Nasa guest room ako ngayon at ito din ang kwartong ginamit ko nung nagpunta kami dito last year habang ang lahat ay nasa labas pa. May biglang kumatok habang huhubarin ko sana ang dress ko kaya hindi na natuloy ng bumukas ang pinto. Pumasok si Blake ng nakangiti at may dalang mahabang tray na may lamang mga pagkain.

"Our dinner is ready." nakangiting sabi niya at nilapag ang tray sa center table dito malapit sa terrace.

"Hindi kana sana nag-abala pa dahil lalabas din ako pagkatapos ko magbihis."

"Nope. Dito na tayo kakain. Ang ingay sa labas." he said napatango lang ako kinuha ko sa kama ang damit na binigay niya sa akin kanina at pumasok sa CR

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha at magbihis ay lumabas na din ako. Isang magkapares na pink long sleeve na may design na malaking HER sa harap at pink na pajama ang suot ko paglabas ko ay napansin ko agad ang suot niya. Isang blue long sleeve na may design din na HIM sa harap at nakablue din siya na pajama. Napasingkit ang mata kong nakatingin sa kanya nakaupo na siya sa harap ng mesa at nakaayos na ang mga pagkain na dala niya.

"Pinagplanuhan mo to no? Magkaparehas talaga tayo ng damit? Couple clothes to ah."

"Mali yang iniisip mo. Hindi ako kundi si Mom binigay niya ang dalawang damit sa akin kanina ito daw ang suotin natin ngayon at isa pa kung magplano man ako hindi ganito. Ang nakalagay dapat sayo ay 'I love you too' at ang sa akin ay 'I love you'." seryosong sabi niya napangiwi ako sa kanya napatawa naman siya at tumayo siya at hinatak ako papunta sa center table at pinaghila ng upuan kaharap niya kaya napaupo ako.

"Botong-boto talaga ang mga magulang natin para sa atin."

"You're right. I'm thinking that bilisan na natin para maging masaya na talaga sila." he said while smiling

"Magtigil ka nga, kumain na tayo." Tumango naman siya at nagsimula na kaming kumain ng nakangiti sa isa't-isa.

Ang dami niyang dalang pagkain at may slice cake pa. Nang matapos kami sa pagkain ay napaupo kaming dalawa sa kama at mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at nabasag lang ng magsalita siya.

"Do you want to go to my room?" Napataas ang isang kilay ko sa tanong niya.

"Why would I?"

"Basta halika na." Pinatayo niya ako kaya napatayo ako at sabay kaming dalawa lumabas ng guest room magkahawak ang mga kamay namin nang makarating na kwarto niya ay sobrang linis at naka-arrange ang lahat at walang kalat.

Naalala ko ang kwarto niya noon sa tinirhan namin pareho sa discipliner thingy na binili ni tito para sa amin. Nang nakapasok ako sa kwarto niya ay malinis din yun. Hindi talaga siya nagkakalat.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon