Chapter 33: First day of fieldtrip

45 7 2
                                    

Mhica


Nagising ako ng 4:50am isang oras na lang 6:00am na hindi pa ako nakapagluto nagmadali akong bumangon at pumasok sa c.r at naligo at nagbihis ang suot ko ay grey na oversized t-shirt at high waist na black pants at black shoes atsaka lumabas na ng kuwarto.

Pupunta na sana ako sa kusina ng makita ko si kyle na nasa mesa na at kumakain kaya pumunta ako sa kanya at umupo at laking gulat ko na may mga pagkain ng nakahanda sa mesa ang mga pagkain ay itlog, hotdog, fried chicken, corned beef, toccino at pan cake ang dami.

Saan nanggaling ang mga to?

"Saan nanggaling ang mga pagkain na yan?" tanong ko sa kanya

"Saan pa ba sa tingin mo?" cold niyang tanong

"Saan nga?" tanong ko ulit

"Tsk. Edi niluto ko" cold niyang sabi

Kaya naman lumaki talaga ang mata ko sa gulat sa sinabi niya.

"Talaga niluto mo lahat yan? Eh, hatdog, itlog atsaka fried chicken lang yung tinuro ko sayo kahapon ah" sabi ko sa kanya

"Tsk." cold niyang sabi

Nagsimula na akong kumain pero siya tapos na.

"Tapos ka ng kumain?" tanong ko sa kanya

"Obvious ba" cold niyang sabi

At pumasok sa kuwarto niya at lumabas dala na niya ang maleta niya at isang back pack bag at umalis na.

Ako naman pinagpatuloy ang pagkain ko at niligpit ang pinagkainan namin at pumasok na ako sa kuwarto ko at kinuha ang maleta ko at isang shoulder bag at umalis na ako.

Ilang minuto lang nandito na ako sa university pumunta na ako sa classroom at nakita ko na halos lahat ng mga kaklase ko ay nandito na pumunta ako sa mga kasama ko.

"Sa sobrang aga mo mhics muntik ka ng malate" sabi ni gel

"4:50 am na kasi ako nagising" sabi ko sa kanya

"Yan ba yung leader? Dapat siya ang unang pumunta dito siya pa yung huli. Kung hindi sana ako maagang umalis kahapon ako sana ang magiging leader" sabi ni chloe

"Eh, anong magagawa mo siya na yung leader" sabi sa kanya ni gel

"At sino ka naman?" iritang tanong sa kanya ni chloe

"Ako? Ako ang magiging kaaway mo kung patuloy ka pa sa pagdada diyan na wala namang naitulong" sabi sa kanya ni gel

Bago pa mauwi sa gulo nagsalita na ako.

"Pasensya na talaga kayo dahil na huli ako sa pagdating" sabi ko sa kanila

"Okay lang mhie" ngiting sabi ni matt

Ngumiti din ako sa kanya.

"Teka, anong nangyari sa daliri mo?" tanong ni matt

Nakita na niya napatingin ako kay kyle na nakatingin na pala sa akin.

"Ah, wala napaso lang ako sa pagluluto" sagot ko

"Sinabi na naming mag-iingat ka mhie eh para hindi ka nasasaktan" sabi ni matt

"Nag-iingat naman ako, aksidente lang talaga" sabi ko

At pumasok na ang adviser namin sa classroom at eksatong 6:00am siya pumasok.

"Good Morning, class" sabi ni ma'am

"Good Morning, ma'am" sabay na sabi namin

"Mukhang ready na talaga kayo. Pumunta sa harapan ang mga napili niyong leader ng grupo niyo" sabi ni ma'am

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon