MhicaIka-limang araw na namin dito sa Cebu at sa resort at ngayong activity sa araw na to ay badminton by partner ang paglaro marunong naman ako maglaro ng badminton kaya lang ang makakalaban ko ay si Kyle baka hindi ako makafocus. Ang O.A ko na.
Nandito na kaming lahat kumakain sabay-sabay at ang lahat ay nakabihis na at halata sa mga mukha nila na excited sila nakangiti eh. Parang hindi sila napagod kakatakbo kahapon at hindi umaalis sa tabi ko si Matt masakit pa ang kamay ko ngayon pero konti na lang. Marami ang kinain kong almusal ngayon at marami pa ang laman ng plato.
"Mhics, parang wala kang ganang kumain ngayon ah baka mabulunan ka niyan" sabi ni Gel tumingin ako sa kanya at nakita na naman niya ako
"Gutom ako eh"
"Kung yan ang magpapaligaya sayo. I'm happy for you"
Natawa na lang ako sa kanya. Baliw talaga siya. Anong magpapaligaya sa akin ang pagkain? Eh, siya nga ang dami-daming pagkain sa plato niya at kumukuha pa kapag naubos niya ang laman ng plato niya. Matakaw talaga kahit kailan at hindi naman madadagdagan ang timbang niya.
"Nakalimutan mo ba Angel, na maraming nangyari kahapon? Kaya ayan dinaan niya na lang sa pagkain ng madami ang nangyari" sabi ni Jake
"Ganun ba yun? Edi, Go" sabi ni Gel
Ewan ko talaga sa kanilang dalawa. May napansin akong kakaiba ngayon sina Tristan at Rhian magsasalita na sana ako ng magsalita si Gel.
"Kayong dalawa na saan kayo kahapon? Bakit hindi kayo sumunod sa amin?" tanong ni Gel. Napatingin naman sina Tristan at Rhian at kaming lahat sa kanila.
"May pinuntahan lang kami" sagot ni Tristan
"At saan naman kayo nagpunta?"
"Diyan lang" sagot ni Rhian
"Diyan lang? Pero pagbalik niyo dito ang laki na ng mga ngiti niyo abot hanggang langit"
"Napaka-reporter mo talaga Angel. Ano to interview?" tanong ni Jake kay Gel
"I'm just curious at all. Bakit hindi ba kayo nagtataka kung saan silang dalawa nagpunta? At isa pa kaibigan na talaga ang turing ko sa inyong lahat at kaklase ko sila no. May pakialam ako magtanong kung ano ang nakikita ng dalawa kong mata at dahil maglilimang araw na tayong magkasama dito" sagot ni Gel. Ganyan talaga si Gel kung ano ang nakikita sasabihin at magtatanong agad-agad. Ewan ko sa kanya. Minsan naiinis ako sa kanya pero minsan lang mas naglulumapaw ang pagmamahal ko sa kaibigan ko dahil kung wala siya hindi ko malalaman ang kamalian ko at kung ano ang dapat kung gawin. Mas masarap pala magkaroon ng kaibigan na madaldal katulad niya dahil napu-point niya ang lahat eh. Na kahit isa lang siyang kaibigan mo pero the best sa lahat.
"Galit agad?" tanong ni Jake
"Hindi naman sa ganun" sagot ni Gel
"Oh, sagutin niyo na ang reporter natin dito" sabi ni Jake. Mahilig talagang magbiro si Jake.
"Wala naman nag-usap lang kami ni Rhian" sagot ni Tristan
Ang laki talaga ng ngiti nila ni Rhian alam kong meron silang hindi sinasabi sa amin eh. Ano kaya yun?
"Pero may mali eh, may iba"
"Anong iba ang nahalata mo kay kambal?" tanong ni Trishia alam kong wala din siyang alam sa kakambal niya hindi sila masyadong nag-uusap eh
"Oo, nga ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong ni Jake
"Parang may kakaiba sa kinikilos nila simula nung kahapon pa. I know their is something going on between them"
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...