Chapter 38: Fever

34 4 1
                                    

Kyle

Kanina ko pa tinititigan si desperate girl simula pang kaninang umaga na nakabasag siya ng pinggan hindi dahil sa gusto ko dahil sa may napapansin ako sa kanyang kakaiba ngayong araw kahit saang anggulo tingnan naiinis talaga ako sa kanya at naiirita.

Hindi mawala wala.

Ayoko talaga sa kanya.

Palagi siya na lang ang nakikita ko at siya na lang parati ang kasama ko.

Nakakawalang gana.

Nakakabuwesit.

Nauna na akong pumasok sa kanila ang tagal nila.

May pagkain na dito sa loob ng cottage namin dahil tinawagan ko restaurant namin kanina at sinabihan na lagyan na ng pagkaing luto na sa loob. Kaya pagdating nila nagulat sila na meron ng pagkaing sa mesa.

Tsk.

Umupo na sila at kumain at kumain na din ako dahil gutom na gutom na talaga ako.

Kanina sa game naiirita ako sa pagmumukha ng desperate girl na yun.

Kung matutulog sana siya edi sana hindi na lang siya pumunta sa game at natulog na lang buong umaga.

Nakakabuwesit.

Nilagyan ko si chloe ng pagkain sa pinggan niya ngumiti siya sa akin ngumiti din ako sa kanya pero nakikita ko sa side view ko na may tumititig sa amin at paglingon ko si desperate girl na naman ang nakita ko.

Cold ko siyang tiningnan at umiwas siya ng tingin sa akin.

Parati ko siyang nahuhuli na parating nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Ano bang pakialam ko sa iniisip niya?

Tsk.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil matagal ko naman siya nakasama may napapansin talaga ako sa kanya na hindi ko alam kung ano.

Natapos na akong kumain biglang may tumawag sa cellphone ko tiningnan ko kung sino unregistered number.

Sino ba to?

Bakit niya alam ang number ko?

Sinagot ko na lang para malaman kung sino.

"Hello, kyle...."

Naalala ko ang boses niya pero hindi ko alam kung sino siya.

"Sino to?" cold kong sabi

Napatingin naman sila sa akin.

"Si Bryan to kuya ni Mhica" sabi niya

Napatayo ako bigla.

Hindi ko alam kung bakit ako napatayo bigla napatingin naman sila sa akin lumakad na ako at umalis papunta ng kuwarto naming mga lalaki.

"Anong kailangan mo?" cold kong tanong

"Nasaan si Mhica?" tanong niya

"Mukha ba akong tagahanap ng kapatid mo?" cold kong tanong sa kanya

Nandito ako sa loob ng kuwarto namin at kaharap ng kuwarto nilang mga babae.

"Kaya ako napatawag sayo dahil may hindi sinasabi sa akin si mhica"

"Wala akong pakialam sa inyo" cold kong sabi

"Naiintindihan kita kyle, alam namin kung bakit kayo magkasama ng kapatid ko sa iisang bahay pero sana naman sundin mo ang sasabihin ko sayo ngayon"

Hindi ko siya maintindihan.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon