Mhica
Mabilis ang pag-agos ng malakas na ulan at ang malakas na kulog dulot ng masamang panahon. Bakit ba umulan na lang bigla? Ang init init kanina at tirik na tirik ang araw tapos uulan ng malakas ngayon. Hindi ko gustong manatili pa siya dito hindi ko din gustong umulan ng malakas ngayon.Makakauwi pa ba siya sa ganitong ka lakas ang ulan?
"I think Kyle don't have any choice but to stay here in our house this night" rinig kong sabi ni papa taka akong napalingon kay papa na tumayo na at pumunta sa mahabang mesa namin at umupo siya sa gitna
"Mamaya na natin ipagpatuloy ang usapan tungkol dito. Halina kayo lahat at kakain na" sabi ni mama at sinundan din si papa inalalayan siyang maupo ni papa sa kanan sa tabi niya mahaba naman ang mesa namin kasya ang sampung tao.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mga magulang ko ngayon lang. Ano ba talaga ang nangyayari? Nagkatinginan lang kami nasa tapat pa rin siya ng pintuan namin nakatayo at nakapamulsa medyo malayo ang distansya namin.
"Pinipilit nga nina mama at papa si Kyle na dito na muna matulog ngayong gabi dahil gabi na at madilim na sa labas" sabi ni kuya Bryan napatingin ako sa kanya na nasa tabi ko na
"Kaya lang ayaw magpapigil ni Kyle at uuwi na sana siya ngayon kaya nasa may pintuan sila ni tita. Alam mo naman princess ang sunod na nangyari bigla na lang umulan sa labas" sabi ni kuya Vie na papalapit sa akin at sa kanya naman ako napatingin
"Wala bang tiwala sina mama at papa na makakauwi si Kyle ng ligtas? Alam natin na magaling si Kyle makipaglaban at depensahan ang kanyang sarili sa kung ano man ang mangyari pero siguro nag-aalala lang sila mama sa kanya" sabi ni kuya Bryan
Ano?
"Umuulan nga ng malakas sa labas kaya walang pagpipilian si Kyle kundi ang manatili dito" sabi ni kuya Vie at sabay silang dalawa ni kuya Bryan na naglakad at lampasan kami at pumunta sila kina mama.
Alam kong narinig ni Kyle ang lahat ng mga sinabi ng mga kuya ko sa akin dahil nasa tapat ko pa rin siya at hindi umaalis sa kinatatayuan at nakatitig lang sa akin ganun din ang ginawa ko nakatingin lang ako sa mga mata niyang purong kahel (brown).
Kapag dito pa siya matulog sa bahay ko nakakahiya na ng sobra. Ang dami dami kong ginawa na hindi maganda at nakakahiya na nangyari na nakita niya kanina pang umaga hanggang ngayong gabi na. Tapos ngayon dito pa siya matutulog? Bakit ganun? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng lahat? Nakakainis naman eh.
"Wag na kayong magtitigan na dalawa diyan dahil hindi huhupa ang ulan sa ginagawa niyong yan" rinig kong sabi ni kuya Drake
Napaigtad naman ako sa gulat at biglang iniwas ko ang tingin ko sa kanya matagal ko na pala siyang tinitigan napatingin ako kay kuya Drake na nakaupo na din pala katabi ni papa at kaharap si mama. Edi narinig ng lahat ang sinabi ni kuya Drake. Nakakainis ka kuya! Nakakahiya. Kanina pa kayong umaga nang-iinis lahat. Kung magsalita sila parang okay ang lahat na para bang walang problema. Nakakainis.
Hiya naman akong naglakad na at pumunta na ako kung saan silang lahat ay nakaupo na may isang bakanteng upuan sa gitna nina kuya Bryan at kuya Vie umupo na ako sa gitna nila. Si papa ay nasa gitna namin katabi ni papa si mama na nasa kanan sa tabi ni mama si kuya Bryan at ako ang katabi ni kuya at katabi ko naman sa kaliwa ko si kuya Vie.
Sa kaliwang bahagi naman ni papa si kuya Drake na katabi sa gilid si kuya Cee biglang umupo sa tabi ni kuya Cee si Kyle gulat akong nakatingin ngayon sa kanya dahil magkaharap na naman ulit kami. Bakit ganun palagi? Kanina sa tanghalian magkaharap din kami eh ang awkward pa lang tingnan at kapag nagkatabi kami hindi na ako makakakain nun.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...