KyleBakit? Bakit? Tinatanong ko ang sarili ko dahil nalilito ako at dahil hindi ko alam ang sagot. Bakit ko ginawa lahat ng yun sa kanya? Anong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko lang ayoko siyang makitang masaktan at umiyak kagaya ng ginawa niya kagabi. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Ano bang iniisip ko?
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na ako pupuntahan ko ngayon si Chloe at pagsasabihan sa suot niya. Bakit ba dalawa sila ng babaeng yun pinag-aalala nila ako sa kanila? Teka, bakit nasama ang babaeng desperada na yun? Hindi ko alam. Nakakabuwesit.
Sinasabi ko na nga ba na gusto siya ni Matthew tama ako halata naman talaga pero bakit hindi niya gustuhin pabalik eh magkaibigan naman sila at isa pa hindi pa siya nakakaranas na magkaroon ng boyfriend.
Bakit niya binasted si Matthew? Ano bang ayaw niya kay Matthew? Gusto siya ni Matthew pero hindi niya gusto. Bakit niya sinabi na crush niya si Matthew kung binasted niya din naman? Nagpapaasa lang siya sa tao eh. Tsk. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Naalala ko kagabi pagkatapos namin nag-usap ni Jake pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko pumasok din ako sa kuwarto namin at nakita ko ang bigay sa akin ng desperadang babae na yun na regalo sa itaas ng kama ko. Nilagay siguro nila dito dahil iniwan ko yun sa upuan ko hindi ko pa nabubuksan lumapit ako sa kama ko at kinuha ko ang isang paper bag na kulay brown binuksan ko na at kinuha ko sa loob ang laman may box pa na pahaba binuksan ko ang kahon at ang laman ay isang fountain pen hinawakan ko ang fountain pen.
Teka, fountain pen? Biglang may pumasok sa isip ko na alaala. Ito nga yun. Ito yung fountain pen na nakita ko sa store namin sa mall dati. Teka, ditong mall ko pala yun? Sa Cebu? Ito ang nakita ko at sinabi ko sa sarili ko kapag nahanap ko ulit ang fountain pen na to mahahanap ko na din si Mj. Tandang-tanda ko pa ang sinabi kong yun dun mismo sa store.
Pinangako ko yun sa sarili ko at ito yung fountain pen na to hindi ako nagkakamali at hindi ako gumagawa ng kuwento. Anong ibig sabihin nito? Bakit ito ang binigay ng babaeng desperada na yun sa akin? So, ito ang binili niya sa mall kung bakit siya nangutang sa akin para pala dito at ang sabi niya regalo niya to sa akin for my birthday this sunday.
Paano niya nalaman ang tungkol dun? Paano niya nalaman ang date ng birthday ko? Bakit niya alam? Baka sinabi ni Stephen o ni Jake sa kanya. Ang dami niyang alam nagugulat na lang ako. Fountain pen ang regalo niya nakatitig lang ako sa pen ito talaga yung pen na yun tandang-tanda ko at hindi ako makakalimutin.
Matagal ko ng pinangako sa sarili ko yun noong bata pa ako na mahahanap ko ulit si Mj sa pamamagitan ng pen na to. Mahahanap ko pa kaya siya? Sana nga dahil gusto kong humingi ng kapatawaran sa kanya at makamusta siya kung sakaling magkita kami ulit. Sana nga dumating ang araw na yun. Miss ko na siya sobra. Hindi ko nga lang alam ang mukha niya ngayon malaki na din siya eh kaya marami ng nagbago katulad ko.
Bakit ko inisip kaninang umaga ang babaeng desperada na yun? Pagkagising ng pagkagising ko siya agad ang pumasok sa isipan ko na sana si Chloe. Ano bang iniisip ko ngayon? At ano ba ang nangyayari sa akin? Umalis ako kaninang umaga pagising ko dahil sa babaeng desperada na yun pinag-isip niya ako sa kanya lumabas ako ng resort pumunta ako ng S. Mall para bumili ng pagkain bumili ako sa Jollibee dahil yun ang una kong nakita pagkapasok ko ng mall. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko ngayon kung bakit ako bumili sa Jollibee at kung bakit ko siya binilhan ng pagkain ngayon.
Hindi para sa akin ang binili ko kundi para talaga sa kanya. Nakakainis na nakakabuwesit dahil sa kanya kung bakit ko gustong lumabas at bumili ng pagkain dahil naalala ko kagabi na hindi siya naghapunan diretso siyang uminom ng hindi kumain kaya mabilis siyang tinablan ng wine at na lasing siya kaya alam kong gutom siya ngayong umaga at tama nga ako gutom talaga siya. Narinig ko ang sabi ni Angel sa kanya na gutom pa siya kahit kakatapos niya lang kumain pagkadating ko kanina. Tsk.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...