Mhica
Kinagabihan ay hindi ako makatulog dahil sa nangyari kaninang umaga nasa isip ko pa rin at hanggang ngayon. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko lalo kapag iniisip ko yun. Ang lapit namin sa isa't-isa at kulang na lang halikan niya ako sa lapit namin pero ako ang unang umuwas dahil sa lintik kong puso ayaw huminahon.Hindi din mawala sa isip ko ang three words na sinabi niya diretso sa mga mata ko. We're the same. We're mutually miss each other pero hindi ako aamin sa kanya hindi ko sasabihin. Pero aaminin ko masaya ako sa nangyari. Hindi ko alam kung bumibigay na ba ako o ano.
Kinabukasan ay hindi ako mapakali sa hiya at sa bwesit kong puso na walang tigil sa pagtibok kapag napapatingin ako sa kanya dahil nandito na naman siya ngayong araw. Araw-araw ba talaga siya nandito? Nakakainis na eh. Pagkatapos ng lunch time ay umalis siya nagpaalam siya kina Mama at Papa na may pupuntahan siya kaya napahinga ako ng maluwag dahil wala siya.
"Hija, let's talk about your upcoming birthday next week because it's quite near" simulang sabi ni Papa ng nasa living room kaming lahat at nakaupo kaming lahat sa sofa.
Walang pasok sa trabaho si kuya Drake habang ang dalawa kong pinsan ay nag-leave muna sila sa work nila ngayong araw. Para ba dito sa pag-uusapan namin? Sana hindi na lang nila ginawa yun. Tumango lang ako kay Papa at makinig ng mabuti. Pinatay ni kuya Vie ang TV kahit hindi pa natatapos ang pinapanood naming movie dahil sa sinabi ni Papa at nasa akin na sila nakatingin ngayon. Para bang ako na lang ang walang alam sa plano nila at sa palagay ko nakapagplano na sila sa birthday ko but I don't mind.
"Hija, we're planning to celebrate your nineteen birthday as a debut birthday party because last year we didn't have a chance to celebrate your debut that's why we planned this" sabi ni Mama gulat ang reaksyon ko
"Po? Ma, Pa naman hindi ko naman kailangan na mag-debut pa at masaya ako last year kahit simpleng birthday lang. Ganun din naman po yun parehas lang. I'm okay for a simple and memorable birthday. You really don't have to do this."
"But we insist hija. It's for your own happiness. We want you to experience what feels like a debut for an eighteen year old girl we failed to give you last year. That's why this gonna be a debut for you MJ" sabi ni Papa umiling ako
"But I'm happy right now Pa. Ayoko po nito at mapapagastos lang ulit kayo ng malaki sa akin. Ayoko ng dumagdag pa sa sakit sa ulo niyo. Ang mahal-mahal na nga ng operasyon ko last year tapos meron pang ganito. Ayoko po. I'm really okay at hindi ko naman kailangan na maranasan lahat ng yan. I'm contented." seryoso kong sabi
Totoo naman kasing ayoko ng iniisip nila ngayon. Dadagdag lang ako sa gastos eh at nakakahiya ang dami na nilang nailabas na pero dahil sa akin. Birthday lang naman, bakit pa ganito? I don't get it? Debut experience? I don't need that.
"Ayaw mong ma-experience na mag-debut bunso dahil lang sa dahilan na marami kaming naigastos sayo, ganun ba?... MJ, it's not your fault at hindi namin naiisip yun. You know that you are the youngest and our princess, right? That's why we want you to experience this one. It's a one lifetime experience for you. Gagawin namin lahat para sayo bunso, ganun ka namin ka mahal lahat" seryosong sabi ni kuya Drake tiningnan ko sila isa-isa tumango at ngumiti sa akin ang dalawang kambal kong pinsan. Umiling ulit ako.
"Kahit ano pang sabihin niyo kuya. Ayoko po."
"Bakit ba ayaw mo, princess?" tanong ni kuya Bry
"Mapapagastos nga po kayo ng malaki at ayokong isipin na dahil na naman sa akin. Basta ayoko po. I'm okay and fine for just a chocolate cake, one candle and greetings po. Ayoko ng sobrang celebration I want to celebrate it here in our house."
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...