Mhica
Ang galing niya sa ganito kaya naman nadagdagan pa lalo ang paghanga ko sa kanya hindi lang siya guwapo may taglay pang talento.Nagkanya-kanyang usap silang lahat.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nilalagnat ng todo ngayon.
At bakit ngayon pa?
Bakit sa ganitong araw pa?
Sana nilagnat na lang ako tapos na ang lahat ng mga activities namin dito hindi yung ikatlong araw pa lang kami dito pero nilagnat na ako.
Ano ba to?
Bakit ba kasi ngayon pa?
Nakakainis.
Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil hindi ko gustong lagnatin pero nilalagnat ako. Ngayon lang ako nainis ng todo gusto ko na talagang matulog ngayon pero hindi puwede at masakit pa ng konti ang sugat ko.
Ang malas malas ko talaga kahit kailan lapitin talaga ako ng kamalasan.
May sakit na nga ako lahat masasaktan pa rin pala ang puso ko wala akong takas.
At may dinagdag pa sa sakit ng ulo ko si christian.
Bakit ko ba kasi siya nabangga?
Ang dami dami ko ng iniisip ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang.
Sana sana hindi nila malaman agad.
"Guys, last game niyo na lang to alam ko sa sarili ko na mananalo kayo hindi dahil magaling na talaga kayo dahil kayo ang kagrupo ko yun, yun" ngiting sabi ko sa kanila
At tumingin naman sila sa akin lahat.
"Woah! Mhics, our leader ibang motivation ngayon ang sinabi mo ah at out of the blue ka pa nagsalita" sabi ni gel
Wala na ako masabi sa kanila.
Proud ako dahil sila ang kasama ko.
Manalo matalo man sila pa rin ang grupo ko hindi yun magbabago.
Ang sakit na talaga ng ulo ko pero kailangan kong manatili na parang wala lang hindi ko gugustuhin na matalo kami dahil lang sa akin.
Ayoko at ayokong sabihin sa kanila.
Ang sakit na talaga.
"Oo nga naman, nagulat nga ako eh" sabi ni rhian
Sana makayanan mo pa mhica.
"That's the spirit of our leader" sabi ni jake
"Bagay ka talaga maging leader mhica" sabi ni tristan
Ngumiti lang ako sa kanila isa isa.
Kaya ko to.
Kakayanin ko to'ng nararamdaman ko.
Ako pa.
"Btw guys, ang galing niyo talaga" sabi ni trishia
"Kami pa ba? Biruin niyo wala pang practice yan hindi pa kami nagpractice. Ano pa kaya kapag nagpractice kami? Edi 2nd quarter pa lang panalo na?" sabi ni jake
"Woah! Nahiya kapa sana ginawa mo na lang 1st quarter yung 2nd quarter" sabi ni trishia
"Tama lang na 2nd quarter dahil sa 1st quarter bibigyan namin sila ng pagkakataon" sabi ni jake
"Jake, tumahimik kana nonsense ang mga sinasabi mo" sabi ni stephen kay jake
"Yes, boss" sagot ni Jake
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...