Chapter 24: Second Rules

69 6 1
                                    

Kyle's Pov

Buwesit na babae na to nakakasira ng araw.

Pumasok ba naman sa kuwarto ko ng walang pahintulot ko.

Buwesit talaga pagising ko sira agad ang araw ko dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya.

"Ano yun?" cold kong tanong

Ngumiti lang lang siya sa akin.

Tsk.

"Second rules, tuturuan kitang magluto sa ayaw mo o sa gusto" sabi niya

Nagulat ako

"Ano?!" cold kong sigaw

"Narinig mo diba" sabi niya

"Tsk" cold kong sabi

"Maghintay ka dito tatawagin na lang kita kapag na ayos ko na ang paglulutuan mo" sabi niya

"TSK." cold kong sabi

Umalis siya at pumunta sa kitchen.

At ilang segundo nakita ko siyang tumakbo at pumasok sa kuwarto niya.

Ano na naman ba ang problema ng babaeng yun?

Ilang minuto nandito agad siya sa harapan ko. Nakabihis siya.

"Halika na" sabi niya

At tumakbo papunta sa pinto. Bago pa niya mabuksan ang pintuan nagsalita ako.

"Saan ka pupunta?" cold kong tanong

"Kulang yung ingredients para sa lulutuin mo kaya bibili tayo ngayon" sabi niya

"Ano?" cold kong tanong

"Wag ka ng maraming tanong halika na" sabi niya

"Teka nga. Bakit ako sasama sayo?" cold kong tanong

"Ayaw mo? Madali lang naman akong kausap" sabi niya

At kinuha sa bulsa niya yung cellphone.

TSK.

Ito yung pang ba-blackmail ng babae na to sa akin.

Si dad.

Nakakabuwesit siya.

"Tsk." cold kong sabi

At nauna ng lumabas sa kanya. Sumunod naman siya sa akin.

Pumunta siya sa kotse ko at bubuksan niya na sana ang pintuan ng kotse ko ng magsalita ako.

"Anong ginagawa mo?" cold kong tanong

"Sasakay sa kotse mo" sabi niya

"Sinong may sabi sayo na puwede kang sumakay sa kotse ko?" cold kong tanong

"Wala, pero gagawin ko kung ano ang gusto ko" sabi niya

At pumasok sa kotse ko. Umupo siya sa front seat. Naiinis talaga ako sa kanya.

Hindi ako nagpasakay sa kotse ko kahit sina jake at stephen hindi ko sila pinapayagan na sumakay sa kotse ko.

"Anong ginagawa mo? Lumabas ka nga diyan" cold kong sabi

"No" sabi niya

"Tsk. Mag-taxi na lang tayo" cold kong sabi

"Matatagalan tayo sa paghihintay ng taxi dito kaya pumasok kana at magmaneho" sabi niya

Buwesit talagang babaeng desperada na to.

Inuutusan lang ako.

Hindi bale may araw ka rin.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon