Chapter 78: 100 Days End

19 2 0
                                    

Mhica


Ngayong araw ay ang huling araw ko na bilang isang discipliner niya. Ang bilis bilis lang ng panahon. Parang kailan lang nung una akong makapasok sa bahay niya at nakilala siya ng totoo tapos ngayon matatapos na ang isang daang araw naming dalawa. Parang kailan lang talaga. Hindi ko din aakalain na aabot ako dito. Na magagawa ko pala to. Matatapos ko pala ang one hundred days ng pagiging discipliner ko sa kanya.

Gusto ko din naman to kaya hindi na dapat akong magtaka pa na nakaya ko ang tatlong buwan kasama siya. Naaalala ko pa nung first day ko bilang discipliner niya sobrang excited akong makita siya nun at makasama siya sa iisang bahay. Tapos ngayong araw na ang huli naming magkasama sa iisang bahay dahil matatapos na. Ito na ang huli.

Ngayong araw din ako papasok ulit dahil tatlong araw na akong absent sa klase at isa pa mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Mas gumaan na ang pakiramdam ko dahil nakapagpahinga ako ng matagal. Humihilom na din ng unti-unti kada araw ang mga natamo kong sugat sa buo kong katawan.

Hindi ko lang alam kung maayos na din ba ang lagay niya ngayon gumaling na din ba siya o hindi pa? Dahil tatlong araw ko na din siyang hindi nakikita at nakakausap. Ito naman ang gusto ko ang hindi pagpansin na naman sa kanya ulit. Ito na din ang huling araw para makausap ko siya kagaya ng dati na maayos kami dahil ngayon hindi na maaayos to.

LHinding-hindi na. Ito ang huling araw para masilayan ko ang mukha niya. Kung ano ang nabuong pinagsamahan namin hanggang doon na lang yun. Hindi na madadagdagan pa. I'm not selfish I'm just being true to myself and this is for my own good also. I will always remember that we're not meant for each other. That's life I'm into. Hindi lahat ng gusto ko makukuha ko dahil sino ba ako? Nothing. Just nothing. He is really hard and I can't reach from the beginning. Yes, were childhood best friend but that's the past it's different from the present right now.

Wala akong ginawa sa loob ng kwarto ko magdamag kinagabihan pag-uwi ko galing hospital kundi ang umiyak ng umiyak sa balikat ni Matt. Hindi ako umiiyak dahil sa mga sugat na natamo ko kundi umiiyak ako dahil nasasaktan ako ng sobra-sobra kaya hindi ko pinayagan na umalis sa tabi ko si Matt kahit nakakaistorbo na ako sa kanya. Hindi niya ako iniwan. Sinamahan niya pa ako at dinamayan.

Kahit hindi ako lumabas ng kwarto ko alam ko na araw-araw siya pumupunta sa bahay kahit hindi ko siya harapin. Umaga hanggang gabi pumupunta siya dito. Nalaman ko dahil sinabi sa akin ni kuya Bryan. Ang mga pagkain na dala niya araw-araw ay sina kuya ang kumakain at ang mga paborito kong pagkain ay nasa refrigerator hindi ko ginalawn kahit isa o kahit anong pagkain na dala niya.

Bakit siya ganyan? Hindi ko na nga siya kinausap at hinarap patuloy pa rin siya sa pagpunta dito. Bakit niya na naman ginagawa to? Ano naman ang pumasok sa kukute niya para gawin to lahat? Hindi naman kailangan at hindi ko naman siya sinabihan na gawin niya ang bagay na to. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit hindi ko siya hinarap man lang? Hays. Nakakainis naman kasi.

"Oh, princess papasok kana?" tanong ni kuya Vie

Kakalabas ko lang ng kwarto ko at nakabihis na ng uniform. Si Matt ay umuwi muna sa kanila at babalik siya mamaya para sabay kaming pumasok. Umupo ako sa upuan sa gilid ni kuya Bryan sa harap ng mesa nakaupo na silang lahat. Si Papa sa gitna si Mama naman sa right side ni papa katabi ni mama si kuya Bryan at ako. Sa left side ni papa sina kuya Drake, kuya Cee at kuya Vie at nagsisimula na silang kumain kaya kumuha na din ako ng pagkain.

"Opo, kuya Vie. Ilang araw na akong hindi pumapasok."

"Ayos kana ba bunso?" tanong ni kuya Cee tumango ako at huminto muna sa pagkuha ng kanin.

"Ayos na po ako kung yun ang iniintindi niyo. Naghihilom naman ang mga sugat ko at Hindi na masyadong masakit. Hindi naman kasi pwede na absent ako ng sunod-sunod na araw baka bumagsak pa ako mahirap na. Magdadala naman ako ng excuse letter."

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon