Chapter 39: Cousin

31 3 0
                                    

Kyle

Paano niya nalaman? Ngayon lang naman kami nagkita ulit.

"Ano po?" tanong ko

"Kilala kita hijo, simula pa nung bata ka kaya alam ko. Btw, ako na ang titingin sa kaklase mo" ngiting sabi niya tumango lang ako lumakad na siya sinundan ko naman siya pumasok siya kung saan si desperate girl pumasok ako. Nag-uusap sila ng nurse.

Nakatitig ako kay desperate girl natutulog siya meron ng nakakabit sa kanya na dextrose. Hahawakan ko sana siya para tingnan sana kung mainit pa rin ba siya o hindi na hindi ko na natuloy ng magsalita si uncle wil.

"Siya ba to hijo?" ngiting tanong niya

Yung alin? Tumango na lang ako kahit hindi ko alam ang ibig niyang sabihin mas lumawak pa ang ngiti niya.

"Mabuti at dinala mo siya dito dahil kung hindi mas malala pa ang aabutin niya kung sakaling matagal siyang dinala dito. Wala namang malala ang nangyari sa kanya it's just a common fever na sanhi ng mga sugat niya sa katawan kaya siya nilalagnat. Napansin ko na may mga sugat siya. Saan niya nakuha to? Hindi mo ba inaalagaan ang girlfriend mo hijo? Ano-" pinutol ko ang sasabihin niya.

Anong girlfriend ang pinagsasabi niya?

Tsk.

"Teka, Uncle Wil. Ano pong girlfriend? Sino po? Siya?" sunod-sunod kong tanong tumango siya.

Tsk.

"Hindi ko siya girlfriend kaklase ko siya" inis kong sabi

"Akala ko ba girlfriend mo siya? Dahil tumango ka naman sa tanong ko" sabi niya

Tsk.

Ngayong araw dalawang beses na ang nagsabi at nag-aakala na girlfriend ko siya.

Ano ba naman to?

Siya magiging girlfriend ko?

It will never be.

Tsk.

"Tsk. Hindi ko alam ang ibig niyong sabihin. Tumango ako dahil akala ko alam niyo na siya yung kaklase ko" inis kong tanong

"I see, akala ko naman sa kanya ka in love" sabi niya

Tsk.

Uncle wil naiinis na ako sayo.

"Tsk. Hindi nga sabi eh" inis kong sabi

"Okay. Okay, hindi na ako magtatanong" sabi niya

"Nandito din pala ngayon si christian hindi ba kayo nagkita sa school mo?" tanong niya

"Christian?" tanong ko

Sino yun?

"Hindi mo kilala ang anak ko? Pinsan mo siya, naalala mo noon nung nag-away kayo dahil sa laruan? Then, hindi mo na siya kinakausap mula nun" sabi niya

Naalala ko na. Siya lang ang nag-iisa kong pinsan. Nag-iisa kong pinsan na inis na inis ako sa kanya dahil sa pinagagawa niya nung mga bata pa kami at naiinis pa rin ako sa ugali niya kahit hindi ko na siya nakikita. Hindi talaga kami magkasundong dalawa. Hindi ko na siya nakita matagal ko na siyang huling nakita hindi ko na nga matandaan ang mukha niya.

"Hindi" sagot ko

"Hayaan mo na pupunta naman dito yun mamaya sasabihin ko sa kanya na nandito ka at magkikita kayo" sabi niya

I don't care.

"Anong dahilan kung bakit nilalagnat siya ng mataas?" tanong ko

Hindi ako nag-aalala sa kanya. Nagtatanong lang ako dahil ako na naman ang tatanungin ng mga yun mamaya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon