Chapter 36: Third day, Basketball competition for Boys

42 7 2
                                    

Mhica


Nakita ko sa mga mukha ng mga kasama ko ang gulat maliban kay kyle na seryoso pa rin ang mukha at bigla siyang tumingin sa akin ng cold na bahagya kong ikinagulat.

"Hello, sir puwede po bang maglaro kami ni mhica ng volleyball one on one po. Magkalaban po kami sandali lang po ito isang quarter lang aalamin lang namin kung sino ang mas magaling sa amin" sabi ni kiel kay sir

Tumingin si sir sa akin ng sandali at napaisip at bumalik ang tingin kay kiel.

"Sige, pumapayag ako mukha namang maganda yang laban na yan dahil kayo ang pinakamagaling sa grupo niyo. Pagkatapos niyong maglaro pumasok na kayo sa cottage niyo at matulog maaga pa kayo bukas. Dahil third day na ng activities niyo bukas at ang activity niyo ay basketball at kayo boys ang maglalaban sa umaga at sa gabi naman ang mga babae" sabi ni sir

Tumango naman kaming lahat kay sir.

"Mhics, sigurado ka bang maglalaban kayo?" tanong ni gel sa akin

Tiningnan ko naman siya tumingin din ang iba tumango ako sa kanya.

"Oo gel, ito ang napag-usapan namin kanina" sagot ko sa kanya

"Mhie, diba sabi ko sayo lumayo kana sa kanya" seryong bulong ni matt sa akin

"Matt, maglalaro lang naman kami eh walang dahilan na layuan ko siya dahil magkaibigan na kami" bulong kong sabi sa kanya

May sasabihin pa sana siya pero nagsalita na ako nakatingin lang ang iba sa amin.

"Guys, panoorin niyo ako ha pero kung hindi okay lang walang problema" sabi ko sa kanila

Tumango lang ang iba sa kanila at umalis na ako sumunod din sa akin si kiel at pumunta na kami sa magkabilang net nakapuwesto na kami tiningnan ko ang mga kasama ko nandun pa rin sila sa kinatatayuan nila hindi sila umaalis tumingin ako kay kiel. Mabuti naman kung ganun nanunuod sila sa akin.

"Kiel, sino ba ang mauuna sa atin?" tanong ko sa kanya

"Ikaw na mauna. Ladies first" ngiting sabi niya

Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang bola na nasa gilid at hinagis sa ere at hinampas ng malakas papunta sa kanya at hindi niya nasalo.

"Oh, paano ba yan nakapuntos na agad ako" ngiting sabi ko sa kanya

"Wag ka munang magsaya mhica, una pa lang yan" sabi niya sa akin

"Tingnan natin" sabi ko sa kanya

At hinagis niya sa ere ang bola at hinampas papunta sa akin ang bola pero nasalo ko at hinampas papunta sa kanya ang lakas ng paghampas niya ng bola kaya muntik na akong matumba pero mabuti na lang nakabalanse ako.

Lalaki siya kaya ang lakas ng hampas niya nakita ko na nandito pa rin ang mga grupo ni kiel at nakatingin silang lahat sa amin at ang sama-sama talaga ng tingin sa akin ni bianca umiwas na ako ng tingin at sinalo ang papunta sa akin na bola at hinagis din pabalik sa kanya paulit-ulit lang ang ginagawa namin.

Nung malapit na matapos ang laro namin at papunta na sa akin ang bola at hindi ko makaya ang lakas ng puwersa ng bola at nung paghampas ko pabalik sa kanya ay nadapa ako.

Kaya hindi nasalo ni kiel ang bola dahil nagulat siya sa nangyari sa akin at dali-dali siyang pumunta sa akin tinulungan niya akong makatayo at nakatayo naman ako.

"Thank you" sabi ko sa kanya

"Mhica, okay ka lang?" tanong ni kiel sa akin

Sasagot na sana ako sa kanya ng makita ko na nandito na lahat ng mga kasama ko pati na din si sir ang bilis naman nila hinanap ng mata ko kung na saan si kyle pero hindi nila kasama.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon