Mhica's Pov
Hindi pa rin bumababa ang lagnat ko at may biglang pumasok sa kuwarto ko si kuya Bryan pala.
"Oh, kuya. Hindi ka ba pumasok?" tanong ko
"Hindi na muna babantayan kita" sabi niya
"Kuya naman. Okay lang ako, wag na po kayong mag-alala kaya pumasok kana po" sabi ko umiling siya.
"Ang sabi ko kay Mama at Papa ako ang magbabantay sayo ngayon. Si Mama pa sana ang magbabantay sayo kaya lang ang sabi ko ako na lang. Ayoko kasi silang lumiban sa trabaho nila kaya wag ka ng makulit at magpagaling ka kaagad para makapasok na tayong dalawa" sabi niya
"Opo" sabi ko
"Anong okay ka lang? Ang taas pa nga ng lagnat mo" sabi niya hinawakan niya ang noo ko
"Tumawag nga pala sayo ang kaibigan mo kanina nung natutulog kapa kaya ako na ang sumagot sinabi ko na sa kanya ang dahilan kung bakit absent ka at pumunta pala kanina si kuya sa classroom mo at sinabi ang dahilan sa teacher mo kung bakit ka absent ngayon" sabi niya tumango lang ako at binigay niya ang cellphone ko.
"Gusto mo na bang kumain?" tanong ni kuya tumango ako at lumabas na siya kaya tinawagan ko kaagad si Gel sinagot naman niya agad.
"Hello, Mhics? Mabuti at tumawag kana" sabi niya
"Tinawagan mo pala ako kanina kaya lang si kuya Bryan ang nakasagot" sabi ko
"Oo, sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit absent ka ngayon" sabi niya
"Nilagnat kasi ako pero hanggang ngayon hindi pa rin bumababa" sabi ko
"Ayan kasi ang napapala mo dahil hindi mo pa rin tinitigil ang pagkagusto mo dun" sabi niya
"Hindi naman niya kasalan ang nangyari sa akin nagulat lang siya sa ginawa ko kaya niya yun ginawa. Ang totoo nga kasalan ko naman" sabi ko pagtatanggol ko kay Kyle dahil sigurado ako na galit na galit na siya kay Kyle ngayon.
"Anong hindi? Tingnan mo nga ang nangyari sayo hindi ka lang niya tinulak nagkasakit ka pa. Nang dahil sa kanya absent ka ngayon ng dahil sa kanya hindi kita kasama ngayon ng dahil sa kanya ay may lagnat ka. Hindi mo kasalan kasi nagulat ka lang din sa ginawa mo hindi tama ang ginawa niya sayo. Ngayon sabihin mo nga sa akin na hindi niya kasalan?!" mahabang sigaw niya sabi ko na nga ba na galit siya kay Kyle masuwerte talaga ako sa kanya kahit nag-iisa lang siyang kaibigan ko pero palaging nag-aalala sa akin.
"Gel, wag ka namang sumigaw. Baka marinig niya ang sinasabi mo" sabi ko
"Wala akong pakialam. Mabuti nga yun na marinig niya ang ginawa niya sayo" sabi niya
"Gel, wag ka ng mag-alala magiging okay din ako at makakapasok na din ako bukas at wag mo na siyang sisihin" sabi ko
"Fine, basta magpagaling ka hindi ako sanay na wala ka. Nandito na si Ma'am ibababa ko na" sabi niya
"Sige, Bye Gel" sabi ko
"Bye, Mhics" sabi niya at pinatay na ang tawag pumasok naman si kuya Bryan na may dala dalang pagkain at sinubuan na naman ako.
Kinabukasan hindi na ako nilalagnat at hindi na rin masakit ang katawan ko kaya ngayon puwede na akong pumasok.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto nakita ko sina Mama, Papa, kuya Drake at kuya Bryan na kumakain sa mesa kaya lumapit ako sa kanila si kuya drake ang unang nakakita sa akin.
"Oh, bunso gising kana pala. Ayos na na ang pakiramdam mo?" tanong niya
"Okay na ako Kuya" sagot ko
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...