Chapter 31: My Second Childhood Bestfriend

60 7 0
                                    

Mhica


Nagulat ako kaninang umaga na nakabihis ng uniform si kyle ang akala ko eh magpapagaling siya pero nakita ko sa mukha niya na parang masaya na masaya siya kahit cold siya makikita pa rin.

Alam ko na ngayon kung bakit siya masaya kanina pa'ng umaga dahil nagkita ulit sila ni chloe.

Nagkita ulit sila ng ex-girlfriend niya.

Nakita ko sa mukha ni kyle nung makita niya si chloe nagbago ang mukha niya naging masaya siya.

Nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano biglang niyakap ni chloe si Kyle at tumugon naman doon para silang mag-girlfriend na matagal ng hindi nagkita nakita ko ang mga ngiting binibigay ni kyle kay chloe.

Ngayon walang wala na talaga ako sa kanya sobrang ganda niya kung ikumpara sa akin kaya naman pala niligawan siya ni kuya bryan dahil ang ganda niya.

Pinilit kami kanina ni jake na sumabay sa kanila kumain gulat ako na nandun din si chloe at katabi si kyle pinakilala kami ni jake sa kanya at gulat akong napatingin sa kanya dahil parang proud pa siya na naging ex niya si kyle.

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami ni gel sa garden ang sariwa kasi ng hangin dito.

Nagulat na lang ako na napasobsob si chloe sa putikan at naramdaman ko ang paa niya sa paa ko parang napatid ko yata siya.

Kaya tinulungan ko siya kahit na maputikan din ako wala akong pakialam.

"Tingnan mo ang ginawa mo sa akin" galit niyang sabi

"Hindi ko sinasadya Chloe" sabi ko

"Anong hindi? Sinadya mo akong pinatid para magmukhang akong kawawa" galit niyang sabi

"Sorry, I'm so sorry Chloe. Hindi ko talaga sinasadya" sabi ko ng biglang may humawak sa braso ko marahas akong pinatayo nagulat ako dahil si Kyle ang may gawa.

"Kyle..." sabi ko

Habang pinipilit na alisin ang braso ko na hawak niya.

"Kyle" sabi ni Chloe

"Anong ginawa mo sa kanya?" galit niyang tanong sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko at sobrang sakit ng pagkakahawak niya.

"Aray!" sigaw ko

Hindi ko matiis ang sakit ng braso ko.

"Kyle, bitawan mo si Mhica" utos ni Gel pero hindi niya pinansin si Gel.

"Sagutin mo ko!" galit niyang sigaw

"Hindi ko kasi siya nakita na padaan at hindi niya din nakita ang paa ko kaya napatid siya ng paa ko" sabi ko

Namimilipit na talaga ako sa sakit nakita ko sa braso ko ang pamumula ng balat ko.

"Ang sabihin mo sinadya mo" galit niyang sabi

"Hindi. Hindi ko talaga siya nakita at hindi ko nakita. Aray! Please bitawan muna ang braso ko" sabi ko

Ang sakit. Ang sakit ng dibdib ko ngayon dahil sa ginawa ni Kyle ngayon hindi siya naniniwala sa akin.

"Hindi ko to bibitawan hanggang hindi ka nagsasabi ng totoo" cold niyang

"Hindi ko nga sinasad-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may sumigaw

"Bitawan mo siya Kyle!" seryosong sabi ni Stephen sabay kami napalingon ni Kyle kasama niya din si jake.

"Bro, bitawan muna si Mhica nasasaktan na siya" sabi ni Jake

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon