Chapter 41: It hurts

26 5 0
                                    

Mhica


Matapos niyang sabihin yun lumabas siya. Ang sakit dahil... Dahil hindi siya nag-aalala sa akin at ginagawa niya lang to dahil sa activities at sa grupo parang gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako. Hindi pa rin pala wala pa rin pala akong kuwenta para sa kanya. Ang sakit. Bakit ba kasi ako umaasa hanggang ngayon? Hindi naman sigurong masamang umasa pero ang sakit.


"Mhics, wag kang iiyak dito" napatingin ako kay gel magkasama sila ni stephen. Alam niyang gusto kong umiyak? Kilala niya talaga ako.

"Hindi ba puwede?" malungkot kong tanong

"Mhics, naman eh. Bakit ka ba nagpapaka-affected diyan kay kyle? Parang hindi mo naman siya kilala" sabi niya

Alam ko kilala ko nga siya sa ugali niya sa pagsasalita niya na sa akin lang at doon ako mas nasasaktan.

"Subukan mong umiyak mhics, sasabihin ko talaga sa kanya ngayon mismo" seryosong sabi niya

Hindi naman ako iiyak kahit gustong-gusto ko na. Sasabihin niya talaga? Kaibigan ko ba talaga siya?

"Sasabihin ang ano Angel?" biglang tanong ni stephen nagulat ako.

Hindi niya ba nakikita na nandito si stephen? At naririnig ang pinag-uusapan namin.

"Wala" sabi ni Gel

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya

"Ayos na ako. Okay na ng konti ang pakiramdam ko hindi katulad kanina" sagot ko tumango lang siya.

"Alam kong galit ka sa akin Gel, at pagagalitan mo ako tanggap ko naman kasi na kasalan ko naman to kung bakit ako nandito" sabi ko

"Hindi mhics, hindi ako galit sayo at hindi kita pagagalitan at sisigawan" sabi niya nagulat ako.

Ano? Siya ba to? Totoo ba to?

"Huh?"

"Hindi kita pagagalitan dahil sawang-sawa na ako Mhica Javier. Masakit na ang lalamunan ko sayo kahit anong sabi ko. Anong sigaw ko sayo. Anong pangaral ko sayo hindi mo naman tinatandaan at hindi mo pinapasok sa isip mo. Ulit ng ulit na lang tayo dito Mhics eh. Inuulit mo lang ang ginagawa mo at ako naman si tanga ilang ulit din kitang pinagsasabihan mapapaos ako sa ginagawa mo eh kahit pagsasabihan ka ginagawa mo pa rin ang gusto mo. Ano pa ang gagawin ko diba? Walang kuwenta naman ang sinasabi ko sayo eh dahil hindi mo naman sinusunod. Hindi na kita kayang pagsabihan Mhics" mahabang sabi niya

Hindi daw siya nagagalit pero ang haba naman ng sinabi niya. Galit nga siya. Kasalan ko naman talaga at kasalan ko parati. Malas nga ako eh pati sila dinadamay ko sa kamalasan ko.

"I'm sorry" sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Bumuntong-hininga lang siya. Alam kong hindi niya ako matitiis. Hala, yung laro pala.

"Makakalaro pa ba ako?" tanong ko tiningnan niya ako ng masama.

"At maglalaro ka pa sa lagay na yan?" inis niyang tanong tumango ako. Naiinis siya at tinaas niya ang kanang kamay niya at handa ng batukan ako pero pinigil niya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon