Chapter 84: She Left

9 1 0
                                    

Kyle


When I woke up at 6AM I felt a headache. I don't know what happened to me but my head really hurts at hindi lang ang sakit sa ulo ang nararamdaman ko kinabahan pa ako bigla at ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Nandito ako ngayon sa mansion sa mismong bahay namin dahil umuwi na ako sa bahay ni Dad dahil bakit pa ako mananatili sa bahay ko na yun kung ako lang mag-isa at wala siya? Para saan at bakit pa? Bakit ako mag-iisa doon? Malulungkot lang ako lalo at hindi na ako nakabisita pa sa bahay kung saan nagsimulang makilala namin ang isa't-isa. Nandito ako sa kwarto ko. Tulala sa kawalan at nag-iisip ng gagawin ngayong araw.

I started reminiscing about us about our memories we been together for the past three months in that house. I couldn't believe that she is my childhood best friend back then. It's really a small world for us to met again.

It's Friday and I know I have a class to attend but I feel like I don't need to go today. I don't know why but my gut feeling tells me not to. I won't go in now because even if I go, I won't be able to do anything there and I'll be dumbfounded because she's not there. Hindi na siya pumapasok at nakailang exam na kami na hindi niya nakuha. Excuse siya sa klase at matalino naman siya kaya wala yun problema sa kanya and I admire her for being in a top.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa sa kanila hindi nila ako sinasagot pati text ko hindi nila nirereplyan. Saan ba pumunta ang mga gagong yun? Pati si Christian no reply. Pinagtritripan ba nila ako ngayong araw? Tsk. Humanda talaga sila kapag nakita ko sila. Mga walang kwenta. Mga bwesit.

I really missed her so much. I missed her stares at me and I missed her talking to me kahit nagbabangayan kami. Miss ko lahat tungkol sa kanya. Sinunod ko siya sa gusto niya. Hindi ako nagpakita sa kanya ng isang linggo pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya nakikita. Hindi lang ako nagpakita mismo sa kanya pero hindi ako tuluyan na lumayo sa kanya.

Bumibisita ako sa kanya sa hospital kapag tulog na siya sa gabi. Tinatawagan nila ako o tini-text kung sino ang nagbabantay sa kanya kapag nakatulog siya at doon lang ako nakakapunta kapag may pahintulot nila.

[Blake, you can come here now. She's asleep nakatulog na siya dahil sa gamot na pinainom sa kanya at matagal pa bago siya magising kaya mahaba pa ang oras mo]. sabi agad ni kuya DJ ng sagutin ko ang tawag niya nung Monday

[Thank you so much, kuya DJ.]

[Maliit na bagay basta ikaw na ang bahala. Gusto namin tumulong sa inyo].

From: Chris
Pinsan, pwede ka ng pumunta dito ngayon sa pinakamamahal mong babae. Goodluck.

Text sa akin ni Chris nung Tuesday.

From: Angel
Kyle, pwede mo ng bantayan si Mhics dahil nakatulog na siya. Take your time to be with her.

Text sa akin ni Angel nung Wednesday.

[Brother in law, pwede ka ng pumunta dito ng advance dahil ten minutes na lang makakatulog na siya sa gamot na ininom niya. Take care of her, okay?]. sabi ni kuya BJ ng tinawagan niya ako nung Thursday. Bakit ba niya ako tinawag na brother in law? Napailing na lang ako.

Sa apat na araw gabi gabi akong nagbabantay sa kanya na hindi niya nalalaman dahil ang himbing-himbing ng tulog niya. Masayang-masaya ako dahil kahit papaano nakakasama ko siya at nakikita ko siya kahit wala siyang kaalam-alam. Okay na ako dun at maayos na ako kesa naman hindi ko talaga siya nakikita.

Pinakiusap ko to sa lahat sa pamilya namin at mga kaibigan at wala naman silang second reaction o tutol sa pakiusap ko na kahit sa gabi lang. Ang supportive nilang lahat sa desisyon ko at natuwa pa silang lahat sa ginawa ko dahil gumagawa ako ng paraan. Gusto ko siyang bantayan at makasama kahit wala siyang alam dahil doon lang ako malaya na nakakasama siya dahil hindi nga niya ako gustong makita pa kaya ginawa ko naman yun hindi ako nagpapakita sa kanya kapag gising siya pero kapag gabi ako ang nagbabantay sa kanya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon