Chapter 76: First Childhood Bestfriend

18 1 0
                                    

Mhica


Pagising ko ay nasa hospital bed na ako at tumambad agad sa akin ang mukha niyang titig na titig sa akin ramdam ko ang pag-aalala niya ng lubos. Nakaupo siya sa tabi ko at habang tumatagpo ang mga mata namin ay grabe ang bilis ng pagtibok ng puso ko kaya iniiwasan ko ang mga titig niya.

Kilala ko naman talaga kung sino ang may gawa nito sa akin hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kasi ayoko ng lumaki pa ang gulo. Mas mabuti na hindi niya alam at wala akong balak na sabihin pa sa kanya kung sino. Ayokong mas lumalala pa. Tama na ang mga nalaman at natuklasan ko dahil hindi ko na kakayanin kapag may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko. Parang drain na drain ang utak ko dahil sa nangyari sa akin. Hindi ko to makakalimutan. Kung hindi ako pumunta hindi mangyayari to hindi ako mapapahamak hindi nila ako masasaktan. Kasalanan ko din naman eh nagpadala ako sa takot ko at sa pag-aalala ko sa kanya. Ako tuloy ang napahamak.

Nagsisisi ako ng malaki kung bakit ko pa siya pinuntahan kung bakit pinairal ko pa ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang pangalan niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil siya pa rin ang iniisip ko sa kesa sa sarili ko hanggang ngayon. Hindi ko pa rin siya makakalimutan kahit anong gawin ko.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil napakasakit ng buong katawan ko sa dami ng sugat na natamo sa pananakit nina Chloe. Si Chloe ang gumawa nito sa akin hindi din ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Galit na galit siya sa akin kaya niya ginawa to. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya to sa akin. Nalaman ko na ngayon ang totoong ugali niya. Hindi siya namin kilala ng lubos pero kaibigan ang tingin namin sa kanya pero may iba pala siyang plano.

Habang kumakain kami ni Gel sa cafeteria ay may biglang nag-text sa akin na unregistered number. Sino to? Nanlaki ang mata ko matapos kong mabasa ang text.

From: unknown number

Mhica. Pumunta ka ngayon sa pinakadulong parte ng university na to. Nasa panganib si Kyle, kailangan ka niya ngayon.

"Mhics, anong nangyari?" biglang tanong ni Gel napatingin ako sa kanya.

"Mauna kana sa classroom susunod na lang ako" mabilis kong sabi at tumayo.

"Ano? Hindi ka pa nga tapos kumain. Saan ka ba pupunta?" tanong niya

"Susunod na lang ako" sagot ko at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria.

Hindi na ako nakapag-isip ng maayos dahil bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at pag-aalala. Anong kailangan ni Kyle sa akin? Baka ano na ang nangyari sa kanya kaya binilisan ko ang pagtakbo papunta sa pinakadulo ng school. Teka, ngayon lang ako nakapunta dito. Ilang minuto lang nandito na ako sa pinakadulong parte ng university pero wala naman akong nakitang tao rito.

Prank ba to? At ako ba ang napagtripan? Hingal-hingal pa ako sa pagtakbo nakakapagod tapos hindi naman pala totoo ang text na yun. Sa una pa lang bakit ba ako nagpapaniwala sa scam text? Napabuntong-hininga na lang ako natakot pa ako sa wala. Paalis na sana ako ng may humarang sa dadaanan ko.

"Not so fast, sweetie" sabi ng nasa harapan ko na si napatingin ako sa kanya ng gulat.

"Chloe?" tanong ko ngumisi lang siya nakakatakot ang ngiti niya parang may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.

"Yes, sweetie mukhang pa alis ka na yata?" tanong niya

"Oo, may nagprank message kasi sa akin eh" kabang sagot ko ngumisi ulit siya.

"Yung nagprank message ba sayo parang ganito. Mhica. Pumunta ka ngayon sa pinakadulong parte ng university na to. Nasa panganib si Kyle, kailangan ka niya ngayon. Yun ba?" tanong niya at ngumisi na naman nanlaki ang mata ko sa narinig bigla akong napaatras at bigla akong kinabahan.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon