Mhica
Matapos ng klase namin ay dumiretso ako sa hospital narito ako sa kuwarto ni papa nadatnan ko sina kuya Bryan at Mama.Paano ko ba sasabihin sa kanila? Ang hirap naman baka hindi sila pumayag alam kong magagalit sila kapag nalaman nila at biglang pumasok si kuya Drake.
"Mama, may nagbayad na po ng pera para sa operasyon ni Papa at mao-operahan na siya" agad niyang sabi
Napapikit ako dahil ito na alam na ni kuya Drake ang nangyari. Ang bilis naman ni Mr. Dean kakausap ko lang sa kanya kanina ah.
"Ano? Sino?" tanong ni Mama
"Si mr. Dean Ma, Dean Augustine Smith siya ang may ari ng eskwelahan namin" sagot ni kuya
"Ano? Bakit naman niya ginawa yun? Ang laki ng pera paano natin yun babayaran sa kanya?" tanong ni Mama
"Hindi ko po alam kung bakit niya binayaran at hindi ko rin po alam kung paano niya nalaman na nandito si Papa sa hospital" sagot ni kuya
"Ako po ang nagsabi" sabi ko
Nagulat naman sila at lumingon sa akin nakaupo ako sa pang-isahang sofa nakatayo si kuya Drake sa pinto magkatabi sina Mama at kuya Bryan.
"Ano? Bakit mo sinabi Mhica?" tanong ni Mama
Kapag tinawag niya ako sa buo kong pangalan ay nagagalit na siya sabi ko na nga ba na magagalit sila eh.
"Ano ba ang pumasok sa utak mo bunso at sinabi mo sa dean natin?" tanong naman ni kuya Drake
"Ipapaliwanag ko po ang nangyari ganito po kasi yun pinatawag niya po ako kahapon at sinabi sa akin na puwede ba akong maging discipliner ng anak niya. Ang sabi ko pagiisipan ko muna sabi niya bibigyan niya ako ng malaking allowance ganun din sina kuya at full scholarship hanggang sa maka gruaduate kami. Hindi ko muna po yun tinanggap ng kailangan ni papa ng malaking halagang pera ay pumunta ako sa kanya kaninang umaga at tinanggap na ang offer niya. At sinabi ko sa kanya na kailangan ni papa ng pera para sa operasyon sabi niya ay siya na daw ang magbabayad lahat" mahaba kong sabi
Nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Si kyle ba ang tinutukoy mo princess?" tanong ni kuya bryan
Tumango lang ako.
"Bakit hijo sino ba ang kyle na yan?" tanong ni mama sa kanya
"Siya po ang anak ng Dean siya Ma at isa siyang badboy sa school laging naghahanap ng away at basagulero siya at laging nasusunod ang gusto niya. Kapag hindi sinununod ang gusto niya ay sinasaktan niya at kilala po siya sa mga katarantaduhan na ginagawa niya hindi lang sa school pati din sa labas" sabi ni kuya Bryan
Nagulat naman si Mama sa sinabi ni kuya napayuko ako.
"Hija, bakit ka naman pumayag dito? Kilala mo naman pala ang idedesiplina mo, sana hindi ka na lang pumayag baka kung ano pa ang gawin niya sayo" alalang sabi ni mama
"Bunso ano ba ang pinasok mo? Sana hindi mo na lang tinanggap at sana inisip mo din ang sarili mo bago ka nagdesisyon ng ganito" galit na sabi ni kuya Drake
Nagulat ako dahil first time kong nakita si kuya drake na na galit at ako pa ang dahilan.
"G-Ginawa ko lang naman po yun dahil... dahil kay papa ayoko siyang mawala" iyak kong sabi
Ewan ko ba kong bakit ako umiyak.
"Ayaw din naman namin yun mangyari bunso sana man lang inisip mo din ang sarili mo at sana sinabi mo muna sa amin bago ka magdesisyon hindi yung ganito na tapos na at malalaman na lang namin to ng napakagdesisyon kana" inis sabi ni kuya Drake
"S-Sorry po."
"Iniisip lang naman namin ang kapakanan mo bunso at ayaw ka namin mapahamak" dagdag pa ni kuya tumango ako
"Alam ko naman po yun sorry po talaga sa ginawa ko"
"Ano pa ang magagawa namin nagdesisyon ka ng hindi man lang kami sinabihan ng mas maaga" sabi ni Mama
"Ma, sorry po."
"Wag kang mag-sorry sa akin anak. Sa totoo lang dapat magpasalamat pa ako sayo dahil sa ginawa mo kaya lang sana sinabi mo muna sa amin ang totoo bago ka magdesisyon para may alam din kaming pamilya mo. Hindi yung basta basta ka na lang magdesisyon tandaan mo isang pamilya tayo dito" sabi ni Mama tumango ako ng ilang ulit kaya napayakap ako kay Mama.
"Opo, tatandaan ko na po pasensya na po sa hindi ko pagsabi sa inyo at hinding-hindi na po mauulit."
"Basta iingatan mo lang ang sarili mo kapag sinaktan ka ng lalaking yun sabihin mo agad sa amin at sa mga kuya mo" sabi ni Mama at hinimas-himas ang likod ko tumango lang ako.
"At hindi lang po ako basta discipliner niya."
"Ha? Meron pa? Sobra na yan ha. Ano pa?" tanong ni kuya Bryan
"Titira kami sa iisang bahay gusto kasi niya na sasabihin ko sa kanya ang mga ginagawa ng anak niya."
Nagulat na naman sila sa sinabi ko.
"Ano? Bakit kayo titira sa iisang bahay hindi pwede yun hija" sabi ni Mama
"Hindi kami papayag bunso" sabi naman ni kuya Drake
"At isa pa princess babae ka at lalaki siya baka ano pa ang mangyari sayo" sabi naman ni kuya Bryan
Ang suwerte ko talaga sa pamilya ko.
"Hindi na po ako makahindi binayaran na niya ang operasyon ni papa at isa pa po kung ako ang inaalala niyo kaya ko po ang sarili ko. Kapag may ginawa sa akin si Kyle na masama ay sasabihin ko ka agad sa Dad niya at siya na po ang bahalang magparusa sa anak niya."
"Anak inaalala ka lang namin. Sigurado kana ba dito sa desisyon mo?" sabi ni Mama
"Opo Ma, walang ng atrasan to at hindi na ako pwedeng magback-out at alam ko naman po yun wag po na kayong mag-alala."
Napabuntong-hininga si Mama.
"Yun na ba talaga ang desisyon mo bunso hindi na ba magbabago?" tanong ni kuya Drake
"Hindi na po kuya at para naman to sa atin kaya ko to ginawa para kay Papa."
"Kung ganun, mag-iingat ka na lang bunso" sabi niya at bumuntong-hininga at nagulat ako sa sagot niya.
"Payag na po kayo kuya?" tanong ko
"Wala na akong magagawa desisyon mo yan bilang nakakatanda mong kuya mo at bilang wala si papa ako muna kaya susuportahan kita" sabi niya kaya sa sobrang tawa at saya ko niyakap ko siya niyakap din niya ako.
"Payag na din ako princess" sabi ni kuya Bryan
Bumitaw ako sa pagyakap kay kuya Drake at si kuya Bryan naman ang niyakap ko niyakap naman niya ako pabalik.
"Thank you po, kuya" sabi ko
"Basta kung ano ang mangyari sayo ay sasabihin mo agad sa amin wag kang tatahimik lang diyan. Ano pa naging kuya mo kami kung hindi ka namin matutulungan? We're always here supporting you no matter what" sabi ni kuya Bryan
"Opo, pangako at maraming salamat." sabi ko atsaka bumitaw sa pagyakap tiningnan ko naman si mama.
"Alam mo na ang mga ginagawa mo malaki ka na kaya wala na kaming magagawa kundi ang pumayag" sabi ni Mama
Kaya napangiti ako ng malaki at siya naman ang niyakap ko tumugon naman si Mama sa yakap.
"Salamat po talaga, Mama." sabi ko
"Kailan pala ang alis mo?" tanong ni Mama
"Sa susunod daw po ipapasundo niya ako sa driver nila." sagot ko tumango lang siya.
Ang suwerte ko talaga sa pamilya ko ang understanding nila hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino.
----------
Unibiquety.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...