Chapter 82: Blind

15 2 0
                                    


Mhica


Nagising ako dahil tumunog ang tiyan ko dahil nakaramdam ako ng matinding gutom at dahil sa mga naririnig kong boses sa paligid. Hindi muna ako nagmulat ng mata nakapikit pa rin ako pero gising na gising na ako.

Ano bang nangyari sa akin? Bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Para bang matagal akong nakahiga. Naramdaman ko ding masakit ang buong katawan ko lalo na ang ulo ko. Anong nangyari sa akin? Pilit kong inaalala ang buong nangyari.

Biglang pumasok sa isip ko ang lahat-lahat naaalala ko na ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay. Nagtatalo kami ni Blake hindi niya ako binibitawan. Hanggang sa nasira ang bracelet ko. Sinira niya ang bracelet ko siya ang sumira ng bigay niya. Wala na siyang makukuha sa akin dahil siya mismo ang sumira ng lahat. Wala na ang bracelet. Wala na. Tapos na kaming dalawa kaya wag na wag na siyang magpapakita pa sa akin.

Naaalala ko naman ang pinagtalunan namin. Ang sakit biglang kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako tuwing naaalala ko. Siya na naman ang dahilan. Siya ang palaging nagpapaiyak sa akin. Siya ang palaging nagwawasak ng puso ko. Siya ang taong mahal ko siya din pala ang sisira ng lahat. Sinasaktan niya ako ng paulit-ulit.

Hindi niya gustong bitawan ako. Kumakapit siya sa akin ng mahigpit na para bang ayaw niya talaga akong bitawan. I don't get him. Nalaman niya lang ang totoo. Gusto niya ng bumalik sa akin? Hindi yun ganun kadali lang. Hindi na pwede. Hindi na maibabalik pa ang lahat lalo na ngayon na mas lalong gumulo ang sitwasyon.

Naaalala ko din nabangga ako ng isang itim na van tumalsik ako ng malakas at alam kong bumagsak ako sa mga bisig niya. Sinalo niya ako. Bakit parati niya akong nililigtas? Ganun ba talaga ako kahalaga sa kanya? Siya pa rin pala ang Kyle na kilala ko noong mga bata pa kami.

"M-mj, please please wake up as soon as possible. I'm begging you. I'm so sorry." rinig kong boses niya

Naramdaman kong nasa tabi ko siya dahil nakahawak siya sa kaliwang kamay ko. Ang init ng mga palad niyang nakahawak sa akin at ang higpit na naman ng pagkakahawak niya. Nasa hospital nga ako ngayon. Kumikirot ang puso ko sa sakit kapag naaalala ko ang lahat. Ang lahat-lahat. Ayoko na siyang makita pero nandito pa rin siya sa tabi ko. Sinaktan ko din siya pero bakit nandito pa rin siya? Gusto niya ba talaga ibalik ang dati?

"Pang-apat na araw na to. Tulog pa rin talaga siya" rinig kong sabi ni Gel

Apat na araw akong tulog matapos akong masagasaan? Malala ang nangyari sa akin? Tulog ako ng mahigit apat na araw? Hindi ako makapaniwala.

"Kailan ba talaga siya magigising?" rinig kong tanong ni Jake

"Hindi pa rin namin alam. Nagdadasal kami araw-araw na wag siyang mahulog sa comatose dahil kung sakali hindi na talaga natin siya makikitang gising at matagal tayo maghihintay kung kailan siya magigising" rinig kong sagot ni kuya Bryan at narinig ko ang hikbi niya.

Nandito silang lahat dahil naririnig ko ang mga boses nila. Teka, anong sabi ni kuya Bryan? Comatose? Ako? Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Gustong-gusto ko ng magmulat ng mata at tanungin si kuya pero hindi ko pa magawa dahil gusto ko pa marinig ang pinag-uusapan nila.

"That's not gonna happen. Hindi siya mako-coma. Hindi yun mangyayari sa kanya. Alam kong magigising siya. Gigising siya."  rinig kong sabi niya at seryoso ang boses niya at naramdaman ko ang paghimas niya ng dahan-dahan sa buhok ko.

"Kaya nga nagdadasal naman tayong lahat para hindi yun mangyari kay Mhica"  rinig kong sabi ni Stephen

"Pinsan, ang mabuti pa kumain kana muna. Tanghali na. Nung unang araw dito ni Mj hindi ka kumain kahapon naman konting-konti ang kinain mo. Wag mong pahirapan ang sarili mo" rinig kong sabi ni Christian

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon