Chapter 50: Thankful

14 5 0
                                    

Mhica

Nandito na kaming lahat sa cottage ngayon. Hindi sila nagtanong kung anong mangyari sa akin kanina tinanong lang nila ako kung anong pakiramdam ko at wala na at inaasahan ko na magagalit si Gel sa akin pero hindi. Mugto lang ang mata niya at alam kong umiyak siya at alam na din nila ang nangyari kahit hindi na sila magtanong pa at walang duda na sinabi na sa kanila ni Kyle dahil hindi na sila nagtanong pa. Gabi na ngayon alas sais na ng gabi nandito kaming lahat sa loob pagkagising ko kanina umuwi agad kami dito sa cottage katabi ko ngayon si Matthew na hindi umiiwas ng tingin sa akin.

Naiilang ako at kanina pa ang tahimik dito sa cottage walang nagsasalita kahit isa pagdating namin dito. May mga ginagawa sila pabalik-balik pero wala talagang nagsasalita sa amin ngayon. Si Gel katabi si Stephen sa sofa sila nakaupo si Kyle kakatapos lang magbihis nakaupo siya sa isang upuan at katapat ko.

Dahil ba sa akin to? Sa nangyari sa akin?

Bakit naman masyado silang tahimik?

"Guys, bakit ang tahimik niyo naman? Ang nangyari kanina puwede bang kalimutan na lang natin?" tanong ko sa kanila

Ako na ang nagsalita dahil wala naman gustong magsalita. Nagbihis na ako ng damit ko kanina pa dahil maya-maya maglalaro na kami ni Kyle tatakbo kami puwede naman siyang hindi na maglaro pa dahil nakatakbo na siya kanina.

"All of you listen! What happened to her is not just a coincidence sinadya. Walang lalabas dito sa cottage kung ikaw lang mag-isa humanap ka ng makakasama mo kung saan mo gusto pumunta just don't go alone. Mabuti ng may kasama ka kesa sa wala dahil hindi natin alam ang mangyayari kung meron man mabuti ng handa tayo. Ayoko ng ulit mangyari to dahil kargo-kargo ko kayong lahat dito dahil ako ang anak ng may-ari nito. Kung humanap ka ng kasama siguraduhin mong lalaki ang makakasama mo" seryosong sabi ni Kyle

Hindi siya tumingin sa akin

"Bro, ang ibig mong sabihin ay by partner ang lalabas o magkasama kung saan man para malinaw sa lahat" sabi ni Jake

"Tsk"

"Pinahaba mo pa ang sinabi mo puwede namang one sentence lang" sabi ni Jake sa kanya

"Nang-iinis ka ba?" inis na tanong ni Kyle kay Jake

"Alam mo bro, naiintindihan naman namin ang ibig mong sabihin at gets namin. Wag ka na ngang high blood diyan" sabi ni Jake

"Tsk"

"Lumabas na tayo at pumunta na sa university dahil maglalaro na si Kyle at Mhica" sabi ni Tristan

Nagsitayuan naman kaming lahat ng biglang may tumunog na cellphone kaya napahinto kami sa paglalakad at kay Kyle ang cellphone na yun sinagot niya ang tumawag sa kanya.

"Pinsan, na email na sa akin ng kaibigan ko ang results ng test na ginawa sa itim na panyo at alam ko na kung sino" rinig kong sabi ni Christian

Hindi ko alam kung hindi alam ni Kyle na naka-loudspeak ang cellphone niya o sinadya niya talagang gawin para marinig naming lahat.

"Then, who's that b*stard?" galit na tanong ni Kyle

Rinig na rinig namin ang usapan nila.

"Bro, tungkol saan yan?" tanong ni Jake

"Anong results?" tanong ni Gel

"Tumahimik muna tayong lahat" sabi ni Stephen

"Pinarinig mo pala sa kanila ang usapan natin ngayon. Okay, ito na nga based sa results na hawak ko ngayon it's 99% na sa kanya ang panyong itim na to na nakita doon" sabi ni Christian

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon