Chapter 9: Accept

72 7 0
                                    

Mhica Pov

Umuwi kami nina kuya Drake at kuya Bryan may pasok pa kami bukas sinabi namin kay Mama na umabsent na lang kami bukas hindi siya pumayag siya na lang ang nagbabantay kay Papa sa hospital.

"Saan naman tayo kukuha ng ganun kalaking pera?" tanong ni kuya Bryan

"Hindi ko nga rin alam kung saan tayo kukuha sigurado akong walang magpapautang sa atin ng ganun kalaking halaga" sabi ni kuya Drake

"Wag po tayo mawalan ng pag-asa makakakuha din tayo ng perang pambayad para sa operasyon ni papa" sabi ko

"Sana nga bunso hindi ko gustong mawala si papa" sabi ni kuya Drake

Alam kong naiiyak na siya hindi niya lang pinapakita.

"Ako din hindi ko gustong mawala na lang si papa sa atin" sabi ko na umiiyak na

Niyakap niya naman ako at yumakap na din si kuya bryan sa amin bumitaw na sila at nagtungo sa kanya kanya nilang kuwarto pumasok na din ako sa kuwarto ko at nagbihis.

Hindi pa ako nakakabihis ay humiga na ako sa kama kinuha ko sa bag ang cellphone ko at tinawagan si Gel para ibalita sa kanya ang nangyari kay papa sinagot naman niya. Mabuti na lang ay gising pa siya malalim na ang gabi.

"Hello, mhics. Bakit ka napatawag sa ganitong oras?" tanong niya

Umiyak na ako.

"Mhics, bakit ka umiiyak may nangyari ba? Sabihin mo?" tanong niya

"Gel, dinala kanina si papa sa hospital" sabi ko

"Ano? Bakit dinala si tito sa hospital? Ano ba ang nangyari kay tito?" gulat niyang tanong

"Kanina pag-uwi ko ay nadatnan kong walang tao sa bahay pumasok ako sa kuwarto ko para sana bumihis pero ilang minuto lang ang lumipas may narinig akong ingay sa labas. Kaya lumabas ako pumasok ako sa kuwarto nila mama sa pag-aakala na dumating sila nadatnan ko na lang si papa na nakahiga sa sahig na walang malay mabuti na lang dumating si kuya drake at agad dinala sa hospital si papa" sabi ko

"Bakit naman na walan ng malay si tito?" tanong niya

"Ang sabi ng doctor sa amin ay may kidney desease si papa at may pneumonia at kailangan ng maoperahan ni papa sa lalong madaling panahon kapag hindi siya maagapan ay maaari niya ikamatay" sabi ko na umiiyak pa rin

"Ano? Malala na pala ang lagay ni tito kaya ka pala umiiyak naaawa ako sa inyo siguradong masakit para sa inyo" sabi niya

"Masakit talaga hindi namin inaakala na may nararamdaman na pala si papa na hindi maganda at hindi niya sinasabi sa amin" sabi ko

"Mhics, tanong ko lang magkano ba ang kailangan sa operasyon ni tito?" tanong niya

"2 million" sabi ko

"Ano? Napakalaki naman at saan naman kayo kukuha ng ganyang kalaking pera?" tanong niya

"May naisip na ako" sabi ko

"Ano yun?" tanong niya

"Tatanggapin ko na ang offer sa akin ng Dad ni Kyle" sabi ko

"Ano? Bakit?" tanong niya

"Wala akong magagawa Gel kinakailangan ni papa ang pera para sa kidney transplan niya at itong paraan lang ang naiisip kong paraan para madugtungan ang buhay ni papa. Buhay na ni papa ang nakataya dito gagawin ko ang lahat" sabi ko narinig ko ang bumuntong niya.

"Payag na ako sa desisyon mo Mhics pero ingatan mo maigi ang sarili mo baka pati ikaw ay ma hospital pa" sabi niya

"Talaga Gel thank you iingatan ko ang sarili ko wag kang mag-alala" sabi ko

"Wala akong magagawa nakasalalay ang buhay ni tito nga pala kamusta na si tito?" tanong niya

"Nasa emergency room siya ngayon binabantayan ni mama pinauwi niya kami nina kuya Drake at kuya Bryan. May pasok pa daw kami bukas gusto sana namin na bantayan din si papa kaya lang hindi siya pumayag" sabi ko

"Tama naman ang mama mo mhics may pasok pa tayo bukas kailan mo pala kakausapin ang dad ni Kyle?" tanong niya

"Bukas na bukas din para maoperahan na agad si papa" sabi ko

"Oh, sige ang mabuti pa ay matulog na tayo kasi malalim na talaga ang gabi" sabi niya

"Mabuti pa nga. Bye gel" sabi ko

"Bye" sabi niya binaba ko na ang tawag at natulog na ako.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon