Chapter 70: Fifth & Seventh Rules

27 2 0
                                    


Mhica


Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga nakalagay dito sa rooftop ngayon. Ang gandang pagmasdan ng mga ginawa ni Gel para sa amin ni Matt. Hindi naman niya dapat gawin to pero ginawa niya. Maswerte ako dahil silang dalawa ang best friend ko ang totoong kaibigan ko napangiti ako ng malaki.

"Mhie, should we sit?"

Napatingin ako kay Matt na nasa tabi ko tumango ako sa kanya na nakangiti pa rin pumunta kami malapit sa mga ginawa ng mga kaibigan namin umupo kaming dalawa sa dalawang magkatabing upuan pati ang mga upuan namin may mga design na alam ko si Gel mismo ang gumawa dahil may nga writings ang upuan at sa kanya ang sulat kamay na nakalagay sa papel na nakadikit sa mga upuan namin binasa ko ang nakalagay sa akin.

'Your wish is our command.'

Teka, anong wish? Nag-wish ba ako sa kanya? Kung tama ang iniisip ko ngayon kaya ginawa to ni Gel para sa akin para sa amin ay dahil may nasabi ako sa kanya? Yun ba? Tama ba? Malalaman ko mamaya kung tama ang iniisip ko kapag nagkausap na kami. Sa ngayon gaya ng sinabi niya e-enjoy-in ko to kasama si Matt para hindi masayang ang effort ng mga kaibigan namin para sa amin. Mabuti na lang hindi si Kyle ang kasama ko ngayon dito dahil kung siya kanina pa ako umalis.

'Enjoy your lunch together '

'Truly great friends are hard to find, difficult to leave, and impossible to forget.'

'Life without friendship is like the sky without sun. Wherever you are you will always be in my heart.'

'Little moments, big memories.'

'It's impossible to forget an old friend.'

Napahinto ako sa last quote na sinulat ni Gel para sa amin may bigla lang sumagi sa isip ko pagkatapos kong mabasa yun. It's impossible to forget an old friend. Imposible nga kaya na makalimutan ang dating kaibigan? Naalala ko si Blake bumalik sa akin isipan ang alala niya my first childhood best friend. Naalala niya pa kaya ako? Sa tingin ko hindi na. Masakit para sa akin isipin ang nakaraan ang childhood memories ko noon kasama si Blake at tapos biglang iniwan niya na lang ako at hindi na nagpakita pa. Hay, napabuntong hininga na lang ako.

"Are you okay?"

"Huh? Oo naman. Hindi ko lang akalain na ginawa to ng kaibigan ko para sa akin" sabi ko sa tanong ni Matt

"She is really a good friend to you to us dahil kaibigan na namin siya. She's like an angel just like her name" sabi ni Matt

"Tama ka Matt, noon pa man mabait na talaga si Gel kaya naging close kami sa isa't-isa nang mag-transfer ako dito ng school at coincidence pa na malapit lang ang mga bahay namin kaya super close kami. She's friendly to everyone but she choose me to be her only best friend just like you Matt ako ang pinakaclose mong kaibigan"

"Only you are enough for me" sabi niya napangiti ako tumingin ako sa harapan namin tumingin din siya

May isang photo booth na nasa harap namin sa baba naman sa hapag may mantle na nasa sahig at merong basket fruits at ang mga lunch box na magmumukhang picnic at ang huli ay ang mga nakasabit na mga photos palibot kung saan kami nakaupo ngayon pinapalibutan kami ng mga litrato hindi lang basta litrato kundi mga picture naming dalawa ni Matt napangiti ako. Bakit ba ang bait ni Gel? Hindi naman niya dapat gawin to eh.

Ang tanong saan niya nakuha ang mga picture na to na ang dami? May naalala ako sa ibang picture pero ang iba hindi. Merong picture naming ni Matt na magkayakap ito yung mag-transfer si Matt dito at ito ang unang nakita ko ulit siya. Paano nakunan to Gel? Ang bilis niya. Meron din na magkahawak kami ng kamay ni Matt ito yung araw na meron kaming activity doon sa resort ni Kyle naalala ko naman ang buong nangyari sa activities last week at meron din yung sabay kaming naglalakad ni Matt at meron din na tumatawa kaming dalawa na magkatabi.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon