Chapter 93: The Meaning of 5, 2, 3, 4 & Angel's Diary

10 1 0
                                    

Mhica


Isang linggo na ng sinabi ni tito August na dito kami sa bahay tumira kaya one week na kami dito nakatira sa bahay ulit. It feels like unreal na magiging ganito kami sa huli. Na magsasama pa rin pala kami ulit at magkakaayos pa. Sa totoo lang hindi ko inaasahan to lahat ng nangyari. Akala ko nung una ay wala na. Akala ko hindi siya magkakagusto sa akin kailanman pero ang hindi ko alam gusto din pala ako at ngayon dikit na dikit pa sa akin.

Alam na pala nina Mama, Papa at nina kuya na dito na kami titira sa bahay. Alam nila na aalis na ako sa bahay kaya pati mga damit at mga gamit ko ay pinadala na dito lahat. Wala na akong natira sa bahay na kahit isang gamit. Masaya pa silang magsama na kami ulit. Inayos namin ang sariling mga kwarto namin at nagligpit ng mga gamit namin ang mga pinadala nila. Excited pa silang lahat kesa sa amin.

Nung Monday ay dito na kami sa bahay namin. Siya ang naghanda ng breakfast naming dalawa at sabay kami papasok at hinahatid pa rin ako sa classroom. Nalaman na ng mga kaibigan namin na magkasama na ulit kami sa bahay at ngayon ay official na at may pangalan pa ako kaya na puno kami ng tukso nilang lahat.

Nandito kami ngayon sa sofa nanunuod ng movie at kumakain ng popcorn at pizza. Komportable kaming nakaupo sa sofa nakaakbay pa siya sa akin. Ilang sandali lang ay napaisip ako at ng masigurado ko na ay lumingon ako sa kanya nakatutok ang mga mata niya sa TV tutok talaga siya sa pinapanood naming action movie. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya napatingin din siya sa akin.

"Do you want to say something?" napaayos ako ng upo at hinarap siya ng diretso kaya napatuwid din siya ng upo.

"Blake, matagal ko ng pinag-isipan to. Magdadalawang buwan ka ng nanliligaw kaya naisip ko na nagsasawa na ako sa pagmumukha mo."

"What? What do you mean by that?" gulantang niyang tanong

"Because I want to give you my answer this week. So, be prepared." nakangiting sabi ko at mas lalo siyang nagulat nanlaki ang singkit niyang mata na nakatitig sa akin at ilang sandali ay napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwala.

"What? For real?"

"Yes, malalaman mo na din ang sagot ko."

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya natatawa akong niyakap siya pabalik. Ilang saglit lang ay nagpatuloy na kami sa panunuod pero ramdam ko na wala ang atensyon namin sa TV. Natahimik siya bigla.

Kinabukasan ay hindi siya makapaghintay kaya he prepared so much. He prepared a lot. Niyaya niya ako sa isang resort nila na hindi pa namin napupuntahan na dalawa. Akala ko ay kami lang ang tao dahil sabi niya pinasara niya daw ang isang buong resort pero sa labas pa lang kami at nasa kotse pa ay rinig na namin ang ingay sa loob na para bang ang daming tao sa loob. Pinasuot niya ako ng white dress at siya ay naka-suit na black na walang sinasabi kung anong meron. Hindi ko alam kung anong event ang pupuntahan namin.

Piniringan niya ako sa mata. May nalalaman pang patakip to. Inalalayan niya ako sa paglalakad papasok at habang naglalakad kami ay wala na akong narinig na kahit na anong ingay. Para bang bigla na lang natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil sa tagal ng lakad namin. Nakahawak lang siya sa kamay at sa balikat ko na walang sinasabi. Hindi na din ako nagsalita dahil baka masira ko na naman kung anong surpresa niya at magtatampo na naman. 

"Are you ready?" he asked ng pinahinto niya ako at pinaharap sa kabilang side dahil siya nasa gilid ko ko. Tumango ako sa kanya at dahan-dahan niya ng tinanggal ang piring na puting panyo sa mga mata ko ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang ginagawa yun.

Nang tuluyan niya ng natanggal ang piring ay nagulat ako sa nasaksihan ko. Nanlaki ang mata at napatakip ng bibig at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi at lumingon sa kanya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon