Chapter 58: Drunk

28 4 1
                                    

Kyle

Ano bang nangyayari sa babaeng desperada na to? Kanina ko pa siya napapansin dahil kapag nakatingin ako sa kanya o siya ang nakatingin sa akin kanina ko pa talaga nahahalata na hinahawakan niya ang dibdib niya. Tinanong ko lang naman siya kung bakit niya hinahawakan ang dibdib sa bandang puso niya dahil baka may masakit na naman sa kanya na hindi na naman namin alam pero ang babaeng desperada hindi ako sinagot sa halip uminom siya ng wine.

Tsk.

Sinasadya niyang hindi ako sagutin akala niya hindi ko mahahalata. Hindi siya makakapagsinungaling sa akin. Hindi niya ako sinasagot umiinom siya hindi nga non-alcoholic ang wine pero kapag madami ang iinumin niya talagang malalasing siya. Hindi niya ba alam yun? Tiningnan niya ako sa mata titig na parang galit. Ano bang problema niya?

"Bakit ba kasi puro truth kayo? Eh, hindi niyo naman sinasagot ng tama ang tanong sa inyo dare naman ang piliin niyo para may thrill" sabi ni Jake

"Oo na Jake, parang galit ka eh" sabi ni Angel pinaikot ni desperate girl ang bote at tumapat kay Stephen at Tristan

"Truth or Dare?" tanong ni Tristan

"Wag na kasing magtanong dare na agad" sabi ni Jake nakatingin ako kay desperate girl kanina niya pa talaga hinahawakan ang dibdib niya. May mali na naman ba sa kanya? Bakit ba parati na lang siya may dalang problema?

Naalala ko ang sinagot niya sa akin kanina na kumirot. May mali nga sa kanya. May nararamdam ba siyang masakit? Bakit ko ba siya iniisip ngayon?

"Dare. Siya ang boss eh" sabi ni Stephen

"Hmm. Isigaw mo sa harap naming lahat ang pangalan ng taong gusto mo" sabi ni Tristan sa kanya

"Oh, wag kang iinom ng wine bro ha. Wag kayong madaya gawin niyo" sabi ni Jake hindi siya pinansin ni Stephen nilagyan ni Stephen ang baso na walang laman at hindi pa nagagamit ng wine at ininom niya agad

"Ang daya niyo talaga" inis na sabi ni Jake

"Bakit ba inis na inis ka Jake?" tanong ni Angel

"Dahil sa inyo! Bakit pa tayo maglalaro nito kung inom naman kayo ng inom ng wine? Hindi niyo naman sinasagot edi sana uminom na lang tayo" inis na sabi ni Jake

"Wag lang ang ganung tanong" sabi ni Stephen

"Hay, ewan naiinis ako sa inyo" sabi ni Jake

"Tumahimik ka nga Jake, ang dami mo namang sinasabi. Sino na ang susunod?" tanong ni Angel pinaikot ni Stephen ang bote at tumapat kay Angel at Tristan tiningnan ko si desperate girl kung ano na ba ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung kanino siya nakatingin dahil malayo ang tingin niya parang sa kawalan siya nakatingin at ang kanang kamay na naman niya ay nasa dibdib niya sa bandang puso niya.

Ano ba talaga ang problema niya? Kaninang umaga magkasama kami wala naman akong napapansin sa kanya pero ngayon meron na. Wag niyang sabihin na tama ang hinala ko?

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa kanya baka kasi may gawin siya na hindi ko makita. Hindi ko alam kung bakit ako tutok na tutok sa kanya at nakatitig ngayon sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang nangyayari sa akin kapag siya ang kasama ko.

"Kayo Kyle at Matthew"

Napatingin ako kay Jake at sa bote sa aming dalawa nga huminto tiningnan ko si Matthew at tumingin kay desperate girl sa akin na siya nakatingin ngayon.

"Matthew, ikaw ang magtatanong" sabi ni Jake

"Truth or Dare?" tanong ni Matthew

"Sabi na walang-"

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon