Mhica
Ika-anim na naming araw dito at rest day namin ngayon walang gagawin walang activities. Makapagpahinga kaming lahat ngayon nandito ako sa kuwarto namin kakagising ko lang at ako na lang ang tao dito sa loob at tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko at tiningnan muna ang oras 6:00 am pa lang. Ang aga naman nilang gumising at ang aga naman ng tumawag sa akin sinagot ko na ang tumatawag unregistered number. Sino kaya to?"Hello?"
"Mhica, hija. Ikaw ba to?" tanong ng babae sa kabilang linya. Kilala niya ako pero hindi ko matandaan ang boses niya.
"Hello po. Ako nga po, sino po to?"
"Si Tita Chelsea mo ito"
Si Tita Chelsea pala ang tumatawag hindi ko na naman natandaan ang boses niya kapatid siya ni Mama.
"Tita, Chels, ikaw po pala to"
"Hija, hiningi ko ang cellphone number mo sa Mama mo at pinaalam ko sa kanya na kung puwede sana na magbantay ka, ngayon lang naman kay baby Fara. Ipaalam ko daw sayo kung papayag ka tinawagan ko kasi ang mama mo kahapon at sinabi niya at sakto namang nandito ka daw sa Cebu at hija, ngayong araw lang naman dahil may business trip ako ngayon hindi puwedeng hindi ako sasama sa business trip na to dahil importante ito at mahalaga at mamayang hapon pa ako uuwi. Sana hija, pumayag ka ayokong iwanan si baby Fara sa mga kapitbahay dahil baka mapano siya, nakikiusap ako sayo hija"
Yun lang naman pala akala ko kung ano na kaya naman pala tinawagan niya ako sa ganito ka aga.
"Tita Chels, naman eh parang iba po ako sa inyo walang pong problema sa katunayan nga po wala naman akong gagawin ngayong araw bukas pa po ang activity namin. Kaya po puwedeng-puwede ko pong bantayan si baby Fara at isa pa hindi ko po siya nakita at makikita ko na po siya ngayon" nakangiti kong sabi. Ang cute cute siguro ni baby Fara. Hindi ko nakita ang unang anak ni Tita Chelsea dahil malayo ang Manila sa Cebu.
"Salamat naman kung ganun hija, maaasahan talaga kita hija. Salamat talaga nabawasan na ang problema ko at napahinga ako ng maluwag dahil pumayag kana"
"Wala pong anuman at wala po talaga problema sa akin"
Bumukas ang pinto ng kuwarto at nakita kong pumasok sa loob si Kyle nakita naman niya ako. Anong ginagawa niya dito? Bakit ba siya pumasok?
"Hija, nasaan ka ba ngayon tumutuloy? Saan ba ginaganap ang activity mo?"
"Sa Smith Resort po ako ngayon at sa Smith University kami gumagawa ng mga activities, Tita"
Nakita kong kumunot ang noo ni Kyle na nakatingin sa akin sumasandal siya sa pinto ng kuwarto at nasa bulsa niya ang mga kamay niya at nakabihis at nakapaligo na siya ang pabango niya naaamoy ko. Ang bango kahit talaga tumayo siya o umupo o kahit walang gawin ang guwapo talaga niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang walang boses ang maririnig dahil baka marinig ako ni Tita hindi siya sumagot sa akin nanatiling nakatayo lang siya. Ano ba talaga ang ginagawa niya dito?
"Sa Smith Resort?"
"Opo"
"Mabuti naman kung ganun malapit lang diyan ang bahay ko hija. Alam mo ba ang San Leonardo Street?"
"San Leonardo Street, po?"
Nakatingin lang ako kay Kyle habang kinakausap si Tita at nakatitig din siya sa akin mas lalo namang kumunot ang noo niya.
"Diyan sa San Leonardo Street kaming dalawa ni Fara nakatira sa malaking bahay na kulay pula ang gate at kulay silver ang bahay sa loob malapit sa park makikita mo agad kapag nasa park ka nakatayo, hija"
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...