Chapter 5: Brother's like them

86 8 0
                                    

Mhica's Pov

Nagulat ako sa ginawa ko bibitaw na sana ako sa kanya ng tinulak niya ako bigla ng malakas kaya napaupo ako sa sahig napatingin naman sa amin ang mga kaklase namin.

"Ano ba, Miss? Nakakairita kana" cold niyang sabi at biglang lumabas ng room nakakahiya ang ginawa ko nagulat lang din ako.

"Mhics, okay ka lang?" alalang tanong ni Gel ngumiti lang ako at tumango kahit masakit ang balakang ko.

"Oo, okay lang ako" sabi ko

"Anong okay ka? Tingnan mo nga ang nangyari sayo? Halos hindi ka na nga makatayo" sabi niya. Kung tulungan mo kaya akong makatayo? At tinulungan niya nga akong makatayo. Narinig niya yung nasa isip ko?

"Alam mo naman pala magtatanong ka pa" sabi ko

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at niyakap mo siya?" tanong niya

"Wala, masaya lang ako kasi kinausap niya ko kaya nayakap ko siya at nagulat din ako sa ginawa ko bibitaw na sana ako ng bigla niya akong tinulak" sabi ko

"Kinausap ka nga niya pero tingnan mo ang nangyari sayo? Sinaktan ka niya kaya tigilan mo na ang pagkagusto dun wala ka mapapala" sabi niya. Ano? Umiling ako.

"Hindi. Ngayon pa na kinausap na niya ako hindi ako titigil" sabi ko

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Ayaw mo talagang makinig sa akin" sabi niya

"Baka nakalimutan mo na ako ang nanalo kaya isang linggong libre" sabi ko na ngiting-ngiti kahit masakit ang balakang ko.

"Oo, hindi ko yun nakakalimutan" sabi niya

"Yes! Wala si ma'am!"

Biglang sigaw ng kaklase ko na si Ivan habang papamasok sa classroom.

"So, walang pasok?" tanong ni Rhian

"Malamang, wala. Wala nga si ma'am diba? Sino pa ang magtuturo sa atin?" sabi naman sa kanya ni Tristan. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" tanong naman sa kanya ni Rhian

"Hindi nga ako pero halata naman" sabi ni Tristan

"Oh, tama na yan ang mabuti pa tanungin na lang natin si Ivan. Ivan wala si ma'am? kung ganun walang pasok?" tanong ni Gel kay Ivan. Si gel na ang umawat sa kanila tumango naman si ivan.

"Oo, walang pasok ngayon kasi absent si ma'am" sabi niya

"Yun naman pala, kaya makakauwi tayo nang maaga" sabi ni Gel

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa saya nakita ko na inirapan lang ni Rhian si Tristan mabuti na lang absent si ma'am.

"Tara na Mhics, uwi na tayo" sabi ni Gel tumango lang ako. Inalalayan naman niya akong tumayo at maglakad nakalabas na kami ng university at sumakay na kami ng jeep pababa na si Gel nandito na ang bahay niya.

"Sige, Mhics mauna na ako kaya mo ba?" tanong niya tumango lang ako

"Oo, ako pa? Bye" sabi ko kumaway lang siya kumaway lang din ako. Ilang sandali lang pumara na ako at bumaba na ako dahil malapit na lang yung bahay namin dahan-dahan akong naglakad masakit pa rin ang balakang ko.

Nandito na ako sa tapat ng bahay namin at pumasok sa loob ng makapasok na ako ng bahay ay bumungad sa akin ang mukha ni kuya Drake maaga ang uwian nila kesa sa akin ngayon lang siguro ako nakauwi ng maaga.

"Oh, bunso anong nangyari sayo?" alalang tanong ni kuya sasagot na sana ako ng lumabas si kuya Bryan galing sa kuwarto niya at nakita niya ako.

"Princess, ano ba ang nangyari sayo at nagkaganyan ka?" tanong ni kuya Bryan

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon