Chapter 48: Running, Competition for Boys

24 4 0
                                    

Kyle

Inaasar talaga ako palagi ng buwesit kong pinsan kapag talaga nakikita ko siya umiinit ang ulo ko sa kanya. Papunta na kami ngayon sa University ko nakalabas na kami ng Resort. Nang biglang may humarang sa amin lahat kaya napahinto kami. Si Kiel at ang apat na lalaki niyang kasama. Alam ko na kung bakit niya kami hinarang.

Tsk.

"Ano na naman bang kailangan niyo?" tanong ni Matthew

"Wala nga akong kailangan sa inyo, gusto ko makausap si Mhica"

Tama nga ako. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakausap ang desperadang babae.

"Pare, hindi ka ba talaga nakakaintindi ng hindi puwede?" tanong ni Jake

"Kyle, anong nangyayari?"

Bulong sa akin ni Chloe dahil katabi ko siya. Hindi ko siya magawang sagutin dahil nakatingin ako sa lalaking to.

"Akala ko ba okay na tayong lahat? Napatawad niyo na ako diba? Bakit ayaw niyo siyang makausap ko?"

"Si Mhica lang ang nagpatawad sayo pero kami hindi. Hindi ko na siya hahayaan na lumapit sayo" seryosong sabi ni Matthew

"Sino ka ba? Ano ka ba niya? Pagsalitain niyo nga siya hindi yung kayo ang sumasagot"

Hindi na talaga siya nadadala sa maayos na usapan.

Tsk.

Magsasalita na sana si Desperate Girl pero inunahan ko siya.

"Hindi ka pa rin ba titigil?" cold kong tanong sa kanya

Napatingin silang lahat sa akin. Ito na ang resulta ng katangahan ng desperadang babae na to.

Tsk.

I really really hate her.

"Bakit ako titigil? Kung wala naman akong ginagawang masama?"

"Wag mong ubusin ang pasensya ko. Kiel" cold kong sabi ngumisi siya

Ito ba ang pinagmamalaki ng desperadang babae na to na kaibigan niya?

Tsk.

"Alam mo Kyle, hindi naman ako nanggugulo gusto ko lang siya makausap. Yun lang"

"Umalis ka sa harapan ko ngayon din" cold kong sabi

"Okay. To make things clear kahit hindi niyo ko patawarin wala akong pakialam desisyon niyo na yan pero ang gusto ko makausap si Mhica hindi talaga ako dito aalis kung hindi ko siya nakakausap"

"Eh, g*go ka pala-"

Hindi na natapos ni Matthew ang sasabihin niya ng magsalita si Kiel.

"Aalis ako dito sa harapan niyo. Unless-"

Putol niyang sabi at ngumisi siyang nakatingin sa akin. May binabalak siya ang ngiti pa lang alam ko na.

"Unless let's make a deal na tayong dalawa lang, Kyle"

Sinasabi ko na nga ba. Humanda ka talaga sa akin babaeng desperada ka mamaya.

Haharapin ko muna ang buwesit na lalaking to. Alam kong hindi siya titigil kung hindi magtagumpay ang anumang binabalak niya.

"Spill it" cold kong sabi

"Okay. It's very simple as math-"

"Bilisan mo" cold kong sabi. Pinapatagal pa.

Tsk.

"Ngayong laro natin sa field. Running Competition. Let's add more fun in our activity today so, as I said-"

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon