Kyle's Pov
Gumising ako dahil sa lakas ng boses ng babae na yun.
Araw-araw na lang ba maririnig ko ang nakakairita niyang boses?
Nagsasalita pa sana siya ng may kumatok sa pintuan.
Sino naman ang dumating?
Wala naman akong inaasahan na dadating.
Binuksan ng babae na yun ang pinto at pagbukas niya nagulat ako dahil nakita ko ang dalawa kong kaibigan.
Ano naman ang ginagawa nila dito?
Bakit sila nandito?
Hindi man lang sila nagsabi na pupunta sila dito.
Tumakbo sila papunta sa akin.
At ang nakakainis niyakap ba naman ako ng dalawang kumag.
Ang ayoko kasi sa lahat ang niyayakap ako.
Mabuti na lang talaga hindi ko sila sinuntok.
Dakilang playboy yang si Jake.
Maraming nagiging girlfriend pero kahit isa wala naman sineneryoso.
At si Stephen naman kahit isa walang naging girlfriend as in NGSB or NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH. Ang sabi niya hindi pa daw dumadating ang soulmate niya ang corny niya.
Pagkasabi ng babae na yun ng pangalan niya tumingin naman ang dalawang kumag sa akin at ngumisi.
Ano ba ang problema nila?
Tinatanong ko sila kung ano ang problema nila at ang sinagot wala naman.
Tsk.
Ilang ulit nilang sabihin ang pangalan ng babaeng yun na para bang nang-iinis sila.
At ang sabi ng dalawang kumag na-miss daw nila ako? Tsk.
Pumunta sila dito para kamustahin ako pero ang kinalabasan ang babae na yun ang tinatanong nila.
Nakakainis ang dalawang yun pinagkaisahan ako.
Ano ba talaga ang problema nila?
Sa inis ko sa kanila tumayo ako at pumasok sa kuwarto ko. Naligo na ako at nagbihis.
Ilang minuto pumasok ang dalawa sa kuwarto ko at umupo silang dalawa sa kama ko.
"Bro, ngayon ka lang namin nakita" sabi ni jake
"So?" cold kong tanong
"Kahit kailan talaga kyle hindi kana nagbago" sabi naman ni stephen
"Ano bang pakialam niyo?" cold kong tanong
"Kahit minsan Kyle bawas-bawasan mo naman yang pagiging cold mo" sabi ni jake
Nandito ba sila para sermonan ako?
"Tsk" cold kong sabi
"Ano na ba ang ginagawa mo dito?" tanong ni Stephen
"Ano pa nga ba? Edi, ang mainis sa babaeng desperada na yun araw-araw" cold kong sabi
"Bakit yan pa rin ang tinatawag mong sa kanya niya? Hindi mo pa rin ba alam ang pangalan niya?" tanong ni Jake
Nakalimutan ko ang pangalan niya kahit binanggit na niya kanina.
"Hindi" cold kong sabi
"Mhica ang pangalan niya sinabi niya kanina" sabi ni Jake
Mhica pala ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...