Mhica
Bigla akong nagising sa bigat at sakit ng ulo na nararamdaman ko napabangon ako at hinawakan ko ang ulo ko ang sakit at parang nahihilo ako at inaantok din nilibot ko ang paningin ko. Nandito ako ngayon sa kama ko nandito pala ako ngayon sa kuwarto namin at ako lang mag-isa wala ang mga kasama ko. Teka, ano na bang oras ngayon? Nakita ko ang cellphone ko na nasa gilid ng kama ko sa maliit na mesa kinuha ko ito at tiningnan ang oras 7:35 am na ng umaga at biglang namatay ang cellphone ko lowbat na. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako.
Teka, nga bigla kong naalala. Ano ba ang nangyari kagabi? Paano ako nakatulog dito sa kama ko? Hindi ko matandaan. Ano ba ang nangyari? May ginawa ba ako? Bakit hindi ko man lang maalala? Hay buhay. Sumakit ang ulo ko at kumikirot. Ano ba ang ginawa ko kagabi? Naalala ko ang ginawa ko buong araw kahapon pero ang gabi hindi na. Bakit naman kasi hindi ko maalala? Biglang bumukas ang pinto napatingin ako pumasok si Gel at sinirado niya ang pinto at ni-lock.
"Sinasabi ko na nga ba nagising kana. Hindi talaga nagkakamali ang kutob ko" sabi niya at agad lumapit sa akin tumayo na ako sa kama ko at bigla kong hinawakan ulit ang ulo ko dahil kumirot na naman sa sakit.
Tiningnan ko ang buong katawan ko sa malaking salamin dito sa kuwarto namin. Ganito pa rin ang suot ko kahapon at gusot-gusot na hindi na maayos at naaamoy ko ang sarili ko ang baho ko na parang sinabunutan ako ng ilang beses sa hitsura ko ngayon at parang hindi ako naligo ng isang buong araw at ang mukha ko ngayon ay hindi na talaga mukhang tao. Bakit parang amoy alak ako? Bakit hindi ko maalala ang nangyari? As in wala talaga akong matandaan kahit isa. Tiningnan ko si Gel nakatayo siya at nakatingin lang siya sa akin na naka-crossed arms.
"Gel, may charger ka ba? Pahiram nga" sabi ko habang hawak ko pa rin ang noo ko at hinimas-himas ang sintido ko lumapit naman siya sa kama niya at kinuha ang charger niya sa cabinet niya at binigay sa akin tinanggap ko naman at chinarge ko na ang cellphone ko dahil lowbat at nakalagay sa gilid ng kama ko.
"Gel, ano ba ang nangyari kagabi? Bakit naman masakit ang ulo ko ngayon? May alam ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya bigla akong nagulat dahil hinawakan niya ang kanang kamay ko ng kaliwang kamay niya at kinaladkad ako papunta sa sulok ng kuwarto at pinaupo ako sa kama at kay Rhian ang kama na to kunot-noo ko siyang tiningnan umupo din siya sa tabi ko.
"Mhics, yan din ang tanong ko sayo. Ano ba ang nangyayari sayo kagabi?" seryosong tanong niya kumunot lalo ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano? May ginawa ba ako kagabi?" taka kong tanong
"Ang dami-dami ng ginawa mo kagabi hindi ko na nga mabilang sa dami" sagot niya. May ginawa nga ako kagabi. Bakit ba kasi hindi ko maalala? Masakit pa rin ang ulo ko.
"Ano?"
"Hindi mo matandaan ngayon ang mga ginawa mo dahil lasing ka kagabi" sabi niya. Teka, anong sabi niya? Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano?
"Anong lasing? Ako?" gulat kong tanong. Paanong nangyari yun?
"Hindi ka din makapaniwala sa ginawa mo no?"
Ano ba kasi ang ginawa ko? Sana naman hindi nakakahiya ang ginawa ko. Lasing ako? Kaya naman pala parang amoy alak ako ngayon.
"You don't remember anything now because you're totally drunk yesterday and I'm here to tell you what you did stupidity last night"
Grabe naman siya maka-stupidity sa akin.
"Sandali lang Gel, ako lasing? Paano nangyari na naging lasing ako kahapon? Bakit hindi ko matandaan?" kunot-noong tanong ko
"May nakita ka bang lasing na nakakaalala sa ginawa niya kinabukasan pagising niya? Hindi ka ba nakikinig? You're totally drunk that's why you can't remember anything you did"
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...