Chapter 45: Angel's Secret

22 4 0
                                    

A/N: Special Character is here in this chapter. Welcome Angel!


Angel

Hindi naman ako nag-aalala masyado kay Mhics dahil nasa tabi niya naman si Kyle. Ang ganda na nilang dalawang tingnan ngayon.

Bakit ko na sabi?

Dahil nakikita ko na yung pagbabago mula kay Kyle na sinasabi ko at witness ang dalawa kong mga mata. Ang saya inisin si Mhics at asarin natatawa talaga ako sa reaction niya sa mga tinatanong o sinasabi ko sa kanya.

Umaga na at naghahandan na kami dahil pupunta kami ngayon sa hospital kung nasaan ang dalawang nilalagnat. Ako, si Stephen, si Jake at Matthew lang ang pupunta sa kanila dahil kapag sumama na naman silang lahat ang dami na namang tao at nandiyan si Chloe hindi kami makakag-usap ng maayos ni Mhics kapag nandiyan siya.

Gising na kaming lahat ng 6:00 am pa lang dahil naghahanda kami para sa activities namin ngayong araw. Nandito ako ngayon sa living room nakaupo sa sofa at may hinahawakan akong ballpen at nasa mesa ang notebook ko ang laman ay Diary.

Akin ang diary na to pero hindi ko kuwento ang nakasulat dito para tuloy akong writer ng story pero dahil gusto kong isulat ang mahalagang pangyayari sa buhay nila na hindi nila nalalaman. Napangiti ako.

Umupo sa tabi ko si Stephen tiningnan ko siya tiningnan niya din ako atsaka ngumiti.

"Nagsusulat kana naman?"

"Siyempre, mahalaga ang sinusulat ko eh. Nangangalahati na nga ko ng pages eh. You know I love doing this for them"

"Yeah, you're right and I'm not against of what you want to do" ngiting sabi niya

Ito ang gusto ko sa kanya hinahayaan niya ako sa kung anong gusto kong gawin.

And yes, Stephen Grecia is already courting me.

I feel butterflies when I'm with him every seconds. I'm happy by his side.

Palagi kaming magkasama at kinikilala ang sarili sa isa't-isa. Nakapunta na siya sa bahay nakilala na siya ng mga parents ko at boto din sila kay Stephen at nakilala ko din ang parents niya atsaka nakilala na din siya ng mga magulang ni Mhics at mga kuya niya na nililigawan ako ni Stephen. Nauna pa talaga sila nakaalam kesa kay Mhics na bestfriend ko at kay Kyle na bestfriend ni Stephen. Si Jake lang ang nakakaalam hindi niya pinagsabi at ang dalawa na lang talaga ang walang kaalam-alam.

Siyempre hindi namin sinabi eh. Sasabihin ko na lang siguro kung sinagot ko na si Stephen at kami na.

Pinag-uusapan din naman namin ang dalawa na sina Kyle at Mhics minsan. Hindi pa talaga to alam ni Mhics na si Stephen ang nagugustuhan ko at nililigawan na niya ako. Hindi ko talaga sinabi sa kanya dahil ayokong isipin niya ako. Ang gusto ko ang sarili niya muna ang isipin niya.

Hindi niya pa talaga alam at wala talaga siya kaalam-alam na nililigawan ako ni Stephen na kaibigan ni Kyle

Our story started in the hospital pinakilala siya sa amin ni Mhics. Una akong kinausap nun ni Stephen at siyempre kinausap ko din siya at doon na nagsimula ang lahat nagtuloy-tuloy na ang pag-uusap namin at niligawan na nga niya ako.

Kasama ko ang mga magulang at mga Kuya ni Mhics nun nung na hospital si Kyle dahil na aksidente siya sa kadahilanan ng sariling katangahan niya.

Hindi worth it ang pagbuwis niya ng buhay niya para kay Chloe. Alam ko na kung bakit anong dahilan ni Kyle kung bakit siya ganito ngayon. Kung bakit ganito ang ugali niya sinabi sa akin nina Stephen at Jake ang lahat.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon