Mhica
Bakit ba ang malas ko? Hindi ko na ba talaga maranasan sumaya kahit saglit lang? Bakit ba palagi akong nasasaktan not just physically but more on emotional states.Headline:
Kyle Blake Smith, the heir of the two universities, Diamond and Smith University, recently it was his birthday and the big gift to him from his parents, Augustine Smith and Diane Smith, is that he has a fiancee. Oh, the girl who is the fiancee is lucky because the one she will marry one day is very rich and very handsome man. It is not yet known who this lucky lady is but we will all know in due time. Who is the mysterious woman?.
Nasa newspaper na nga ang balita panigurado alam na ng nakakarami dahil kalat na kalat na ang balita at hindi na ako magugulat pa na isang araw ay kilala na ng lahat ng tao si Kyle dahil sa balita at may ipagmamalaki naman siya dahil gwapo at matalino siya baka kunin pa siyang artista. Gusto na nga malaman ng lahat kung sino ang fiancee niya.
Nasa gilid ng newspaper ang headline at nasa gilid din ang picture ni Kyle nung birthday niya na naka-suit siya. Ang gwapo niya sa picture palagi naman eh. Muntik na naman ako mapaiyak ulit pero mabuti napigilan ko immune na talaga sa iyak kaya alam ko na kung paano hindi ituloy ang iyak sa isang sitwasyon.
"May pa who is the mysterious woman pa silang nalalaman. Ang dami ding pakulo ng mga writers ng newspapers" sabi ni Gel
"Hello, guys. Long time no see" sabay kaming lahat napatingin sa nagsalita sa likod namin at laking gulat ko ng makita at makilala ang taong nagsalita.
"Christian?" gulat kong tanong. Bakit nandito siya?
"Oh, Hi Mhica. It's nice to see you again" nakangiting sabi ni Christian at naglakad papalapit sa akin. Teka, bakit siya lumalapit at sa direksyon ko pa? Nanlaki ang mata ko ng biglang nilapit ni Christian ang mukha niya sa mukha ko at gulat na gulat ako sa ginawa niya.
"Hoy! Christian, ano yun? Bakit ka nanghahalik?" inis na tanong ni Gel
"Chris, hindi pa nga nakakascore diyan ang iba tapos ikaw na bagong dating lang inunahan mo na?" tanong ni Jake
"Christian, ang galing mo sa ganyan" sabi ni Stephen
"F*ck! Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Bastard!" galit niyang sabi
"What?" ngising tanong ni Christian
"Anong what? Why did you do that?" seryoso niyang tanong
"What did I do?" ngising tanong ni Christian
"Why did you kiss Mhica on her cheeks ang ibig sabihin ni Kyle. Iba ka talaga Chris" sabi ni Jake
Sunod-sunod ang reaksyon ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa ni Christian sa akin. Hinalikan ako ni Christian not really hindi niya naman ako hinalikan sa pisngi dahil parang hinalikan lang niya. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at bumeso siya sa akin dahil ang pisngi niya at ang pisngi ko naghalikan hindi dumampi ang labi niya sa pisngi ko at nakita yun ni Matt dahil katabi ko lang siya.
Alam ni Matt na hindi ako hinalikan ni Christian kaya hindi siya nagsalita pero sa reaksyon ko na gulat ay parang ganun ang iniisip ng mga kasama namin. Bakit ba kasi siya bumeso? At ang lapit talaga ng mukha niya sa mukha ko kaya sino ang hindi magugulat dun? Bebeso lang pala siya pero si Matt lang ang nakakita edi iba-iba ang pumapasok sa isip ng mga kasama namin dahil isa lang ang witness.
Nagtaka akong nakatingin sa taong nasa kabilang upuan lang kanina pero ngayong nasa harap ko na talaga nilapitan niya si Christian at kwenilyuhan at minura pa niya ang pinsan niya. Ano na naman ang problema niya? Ano na namang kaguluhan to? Napalingon ako sa paligid dahil sa bulungan na naririnig ko nasa amin na ang atensyon ng lahat specific sa dalawang magpinsan na ilang sandali pa ay magsusuntukan na.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...