Mhica's Pov
Kahit hindi niya ako pinansin at tinalikuran niya lang ako nandito pa rin ako sa bahay niya.
Konting tiis na lang mhica habaan mo pa ang pasensya mo matatapos din to matututo din si kyle ng dapat niyang matutunan.
Kapag hindi ko pa pinipigilan ang sarili ko mababatukan ko talaga si kyle.
Paano ko ba siya naging crush?
Hays.
Ewan ko talaga sa sarili ko kung bakit ko siya naging crush.
Bigla na lang ako nagkagusto sa kanya ng todo.
Biglang tumibok ang puso ko kapag nakikita ko siya pero kung wala hindi naman tumitibok.
Gumising na naman ako ng maaga para paghandaan ang mahal kong prinsipe ng kanyang agahan.
Sandali lang may biglang pumasok sa isip ko na magandang ideya.
Hinanda ko na sa mesa ang pagkain ng mahal kong prinsipe.
Siguro ngayon papansinin niya na ako pero kung hindi pa rin may naisip na akong ideya.
Tatawagin ko pa sana siya ng lumabas na siya sa kuwarto niya.
"Kyle, kain kana" ngiti kong sabi
Hindi niya ako pinansin umupo lang siya at nagsimula ng kumain.
Umaasa ako na papansinin niya ako pero hindi.
Kumain na lang ako pero ilang sandali pa may biglang tumawag sa cellphone niya sinagot naman niya.
Sino kaya yun?
"Bro, napatawag ka ng maaga? Himala ah" cold na sabi ni kyle
Hindi ko marinig ang sinasabi ng tumawag pero ang sinasabi ni kyle naririnig ko.
"Oh, ano naman yun?" cold niyang tanong
"Ano nga yun? Sabihin muna pinapatagal mo pa eh" cold niyang sabi
"Teka... Ano?!" pasigaw niyang tanong
Gulat na gulat at lumaki ang mga mata niya.
Nagulat ako sa pagsigaw niya at natigil ako sa pagkain.
Bakit naman siya sumigaw?
"Ulitin mo nga yung sinabi mo jake" cold niyang tanong
Si Jake pala yung tumawag sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro magsabi ka ng totoo" cold niyang sabi
Ano ba ang sinabi ni jake at ganun na lang ang reaction ni kyle?
Gulat na gulat talaga siya na para bang hindi makapaniwala sa anumang sinabi ni jake sa kanya.
Pinatay na agad ni kyle ang cellphone niya.
Tatayo na sana siya ng magsalita ako.
"Kyle, umupo ka muna may nakalimutan ka pang ibigay sa akin" sabi ko
Kumunot ang noo niya.
"Ano naman yun?" cold niyang tanong
"Nakalimutan mo na ba ang sixth rules?" tanong ko
"Wala akong pakialam sa mga walang kuwenta mong rules" cold niyang sabi
"Kung nakalimutan mo ipapaalala ko ulit sayo" sabi ko
"Pwede ba wala akong oras para sa mga walang kuwenta mong sinasabi" cold niyang sabi
"Sayo wala pero sa akin meron. Kung hindi mo gustong tawagan ko ang dad mo susundin mo ang sinabi ko" sabi ko
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...