Chapter 32: Fieldtrip

105 9 9
                                    

Kyle's Pov

Pagpasok ko ng classroom si desperate girl agad ang nakita ko pero tumingin agad ako kay Chloe binati ko si Chloe binati niya din ako.

Pumasok si ma'am sa classroom at sinabi na meron na namang kaming bagong kaklase biglang pumasok sa pintuan ang lalaki nakangiti siyang pumasok. Sinundan ko kung saan nakatingin ang lalaki at bahagya akong nagulat dahil kay desperate girl siya nakatingin.

Nakatingin din si desperate girl sa kanya nakita ko ang braso ni desperate girl na may benda hindi ko siya nakita sa bahay dahil paglabas ko kanina sa kuwarto wala na siya pero nag-iwan siya ng pagkain. Magkakilala ba sila? Ano bang pakialam ko? Wala.

Nagpakilala ang lalaki at siya ay si Matthew habang papunta siya sa upuan niya nakatingin lang siya kay desperate girl ganun din si desperate girl at nakita ko na ngumiti siya kay desperate girl ngumiti din si desperate girl sa kanya. Magkakilala nga sila.

Pagkatapos ng klase ay agad na lumingon si Matthew kay desperate girl at ngumiti.

"I miss you, Mhie" ngiting sabi niya kay desperate girl

"I miss you so much, Matt" ngiting sabi ni desperate girl. Nagulat ako dahil niyakap ni desperate girl yung Matthew ng mahigpit niyakap din siya ni Matthew ng mahigpit.

Lumabas na kami ni chloe at dumiretso sa cafeteria. Bumili na kami ni chloe ng pagkain namin at umupo kami sa upuan namin kahapon. Nandito sina Stephen at Jake na nagsisimula ng kumain at biglang umupo si Angel ang dami ng pagkain na dala niya.

"Ang dami naman ng binili mong pagkain mauubos mo ba lahat yan? Ang takaw mo" sabi ni Jake sa kanya

"Hindi lahat yan akin no at hindi ako matakaw"

"At kanino naman? Oo nga pala nasaan si Mhica?" tanong naman ni Stephen

"Edi nandun naglalambingan sila ng best friend niya"

"Ha? Sino? Akala ko ba ikaw lang ang best friend niya? Meron pa pala" tanong ni Stephen

"May bago kaming kaklase ngayon hindi niya ba kinuwento?" tanong ni Angel at sabay turo sa akin

"Ngayon lang kaya tayo nagkita at tinatanong namin sayo si Mhica, paano niya masabi?" tanong ni Jake.

"Oo nga no? Makikilala niyo mamaya" sabi niya. Nagsimula na akong kumain nang biglang umupo si desperate girl at katabi niya yung Matthew.

"Binilhan ko na kayo ng pagkain ang tagal niyo kasi eh. Ano bang ginawa niyo?" tuksong tanong ni Angel sa kanya

"Ano ka ba. Wala ah. Nag-usap lang kami. Thank you sa libre Gel" sagot ni desperate girl

"Anong libre? May bayad yan may utang pa kayo sa akin"

"Magkano ba lahat, Angel?" tanong sa kanya ni Matthew

"Hindi ako tumatanggap ng pera"

"Ha? Eh ano?"

Sabay na tanong ni desperate girl at matthew parang silang tatlo lang ang tao dito ah.

"Basta. Sasabihin ko lang kung ano yun" sagot niya

"Ano nga yun?"

"Excited ka mhics? Basta nga malalaman niyo din" sagot ni Angel

"Ehem. Hindi kami makasingit sa usapan niyo" biglang sabi ni Jake

"Ay nandiyan pala kayo? Sorry, hindi ko kayo napansin" sabi ni Angel kay Jake

"Tanga. Kanina pa kaya tayo nag-uusap dito nung dumating lang sila hindi mo na kami pinansin" sabi ni Jake

"Makatanga naman wagas. Sorry naman" sabi ni Angel sa kanya

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon