Mhica's Pov
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya tumayo na ako at naligo atsaka lumabas.
Kahapon nakilala ko ang dalawang kaibigan ni kyle.
Ibang-iba talaga sila kay kyle. Palagi nilang iniinis si kyle. Ang sarap siguro nilang kasama.
Naku naman talaga ang lalaking yun binasa niya naman ang mga nakasulat sa rules.
Dapat siya yung mauunang magising sa akin pero hindi niya sinunod.
Pero ngayon sisimulan ko na ang pagdi-disiplina sa kanya.
Pumunta ako sa tapat ng kuwarto niya.
Kumatok ng malakas at sumigaw ng malakas.
"Kyle, buksan mo yung pinto!" sigaw ko
Hindi niya binuksan ang pintuan kaya kumatok ulit ako ng malakas.
Pero hindi niya pa rin binubuksan.
Ano ba talaga ang gusto niya?
Papahirapan ba niya talaga ako?
Nakakainis siya kaya pumunta ako sa kuwarto ko at kinuha ko yung spare key na binigay sa akin ni mr. Dean at bumalik sa tapat ng kuwarto ni kyle.
At binuksan ang pinto niya gamit ang spare key. Pumasok ako sa loob ng kuwarto niya.
"Kyle, ano ba-"
Naputol ang sasabihin ko.
At nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.
O.M.G.
Nagulat talaga ako.
Kasi naman naka-TOPLESS siya.
Sino ba ang hindi magugulat dun?
Pagkapasok ko sa kuwarto niya tulog siya.
Unti-unti siyang nagigising at nakita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" cold niyang tanong
Pagkasabi niya nun tumalikod agad ako sa kanya.
Bakit ba kasi pumasok ako sa kuwarto niya?
Hindi ko naman alam na ganyan pala siya matulog.
"Nabasa mo diba ang lahat ng nakalagay sa rules? Pero bakit ako yung naunang magising sayo?" tanong ko sa kanya
Pero nakatalikod pa rin.
"Ang tanong ko ang sagutin mo!" cold niyang sigaw
"Pumasok lang naman ako dito dahil kanina pa ako kumakatok sa pintuan mo kasi naman hindi mo binubuksan" sagot ko
"Walang kuwenta. Anong karapatan mo para pumasok dito?" cold niyang tanong
"Pumasok ako dito dahil sana gigisingin kita. Hindi ko naman alam na ganyan ka matulog" sagot ko
"Wala kang karapatan na pumasok dito!" cold niyang sigaw
"Magbihis kana at lumabas" sabi ko
At lumabas agad sa kuwarto niya.
Talaga bang nakita ko siyang naka-topless?
Pero nakita ko talaga eh. Hindi talaga ako mapakapaniwala.
SIX PACK ABS.
Lalo tuloy akong nagkakagusto sa kanya.
Umagang-umaga nakita ko kaagad siya at hindi lang yun nakita ko pa siyang naka-topless.
Buo na talaga ang araw ko.
Ang suwerte ko talaga at dahil nandito ako sa bahay niya kasi naman crush ko siya na hindi niya alam na crush ko pala siya.
At hindi ko yun sasabihin sa kanya.
Ilang minuto pa lumabas siya sa kuwarto niya at nakita ko siyang nakabihis na parang may pupuntahan.
Saan ba siya pupunta?
Dire-diretso lang siya sa paglalakad patungo sa pintuan at akmang bubuksan niya na ang pinto ng magsalita ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ko
Napahinto siya.
"None of your business" cold niyang sabi
"It's my business. Kaya saan ka pupunta?" tanong ko ulit
"Ano bang pakialam mo?" cold niyang tanong
At humarap sa akin.
"Kung meron kang pupuntahan i-cancel mo" sabi ko
"Bakit ko naman gagawin yun?" cold niyang tanong
"First rule, susundin mo lahat ng sinasabi ko" sabi ko
"Ikaw na babae ka. Naiinis na talaga ako sayo. Sino ka ba para sundin ko?" cold niyang tanong
"Ayaw mo? Fine. Tatawagan ko si mr. Dean" sabi ko
At kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan ko si mr. Dean sinagot naman ni mr. Dean
"Oh, Hija napatawag ka may problema na naman ba kay kyle?" tanong ni mr. Dean
Sasagot na sana ako ng magsalita si kyle.
"Tsk. What do you want?" cold niyang tanong
Napangiti na lang ako.
At sinagot si mr. Dean.
"Ah, wala po" sagot ko
"Ganun ba, parang narinig ko ang boses ni kyle" sabi ni mr. Dean
"Nag-uusap lang po kami" sabi ko
At tumingin kay kyle.
"Sige hija, tawagan mo lang ako kapag may problema" sabi ni mr. Dean
"Opo" sabi ko
Pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa.
At tumingin ako kay kyle.
"Anong gusto mo?" cold niyang tanong
Inulit niya yung tanong niya.
Ang sarap sabihin na IKAW.
Pero hindi ko yun magagawa.
"Lahat ng sasabihin ko susundin mo" sabi ko
Tumingin lang siya sa akin na naiinis.
At bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...