Chapter 43: Confused

27 4 1
                                    

Kyle

Nagising ako dahil may narinig akong boses at alam ko kung kaninong boses yun.

"I'm really sorry, Kyle"

It's her again. Nakita ko may ulong nakayuko sa kama ko.

Tsk.

Bakit ba ang hilig niyang matulog dito?

Pangalawang beses na to. Umupo ako naramdaman kong hindi na ako mainit parang wala na akong lagnat. Ang bilis naman mawala ng lagnat ko.

Bakit na naman ba siya nandito sa kama ko? Bumaba talaga siya sa kama niya para dito na naman matulog?

Hawakan ko kaya siya? Hinawakan ko yung noo niya at mainit pa rin siya.

Tsk.

May lagnat siya pero bakit dito siya natulog? Kahit kailan talaga hindi nag-iisip.

"Alam mo naman na may lagnat ka desperate girl. Bakit ba dito ka na naman natulog?" inis kong tanong

Alam ko naman na hindi niya maririnig tulog eh.

"Because she really care for you"

Tumingin ako sa nagsalita. Si uncle. Nandito pala siya hindi ko siya napansin ngumiti siya at lumapit malapit sa akin.

What?

"What do you mean?"

"Hindi mo ba nakikita hijo?"

"Yung?"

"Ang ginagawa niya. Based sa narinig kong sisihan niyo kanina totoo namang kasalan niya kung bakit ka nilagnat dahil nahawaan ka niya. Totoong nagsisi siya at humihingi siya ng patawad sayo at kitang-kita ang senseridad niya hijo. Tingnan mo ang sa gilid mo" sabi ni uncle

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang bimpo at ang tubig na nasa bowl ngayon ko lang to nakita.

"Nakita mo na hijo? Nagsisisi siya Kyle kaya niya ginawa yan sayo. Bumaba na ang lagnat mo binantayan ka niya at inalagaan kahit may lagnat siya dahil nga nagsisisi siya sa nangyari sayo" sabi ni uncle

Tsk.

Desperate girl talaga kahit kailan.

"Hindi ko po hiningi na alagaan niya ako"

"Pero kahit na hijo, kahit hindi mo hiningi kusa siyang tulungan ka at bukal sa puso niya" sabi ni uncle

Naiinis na naman ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

"Anong gagawin ko uncle?"

Hindi ko alam kung bakit ako nagtanong kay uncle.

Ngumiti si uncle.

"Gawin mo muna hijo ang first step" ngiting sabi ni uncle

What? First step?

"Anong first step?" kunot-noong tanong ko

"Yung unang step. Hindi mo ba siya ililipat sa kama niya?" ngiting tanong ni uncle

Ito yung ayoko pero wala na naman akong magagawa.

"Tsk"

Bumaba na ako sa kama ko at tumayo at lumapit kung saan si desperate girl. Binuhat ko siya ng dahan-dahan ang bigat niya at dinala sa kama niya at pinahiga siya ng maayos tulog talaga siya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon