Mhica
Lumapit sa kanya yung Martin at susuntukin na sana siya ng inunahan niya sinuntok niya sa mukha at sa sikmura ng malakas napaatras yung Martin. Teka nga, bakit ba hawak-hawak niya pa ang ang kamay ko? Kung anong galaw niya yun din ang sunod ko dahil hawak niya ako para bang ayaw niya akong bitawan sa sandaling ito. Ang galing niya kahit isang kamay lang gamit niya sa anim na kaaway niya. Wala talaga ang makakapagpatalo sa kanya kapag ganito na ang usapan. Ang galing-galing niya kahit may mga sugat siya at pasa nagagawa niya pa ring gumanti."K-kyle, bitiwan mo ang kamay ko para maayos ang laban mo"
"I don't want to let go of your hand. It gave me strength" seryosong sabi niya nagulat na naman ako sa sinagot niya.
May hawak na baseball bat yung Archie siya na lang ang iisang tao na nakatayo pa kesa sa mga kasama niya. Bakit ba walang tao dito na dumadaan? Nasaan na sila sa oras na to? Saktong may nangyayari hindi maganda dito walang katao tao. Masama ang pakiramdam ko sa gagawin niya. Kyle, sana alam mo kung ano ang posibleng gagawin niya. Lumalapit siya sa amin humakbang ako paatras sumunod naman si Kyle sa akin paatras. Natatakot na ako sa kung anong gagawin ng lalaking to sa amin mas kinakabahan pa ako kesa kanina mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kyle I'm not taking advantage right in this situation totoong natatakot talaga ako. Please, sana wag niya akong bitawan pinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita ang mangyayari. Sana walang maasamang mangyaring sa kanya. Wala akong ibang narinig kundi ang ingay ng mga paa na naglalakad. Hindi ko na alam ang nangyayari sa pagitang nilang dalawa.
Napaigtad ako sa gulat ng may narinig akong isang sigaw ng boses ng lalaki na umaray hindi yun kay Kyle kaya boses yun nung Archie. Napamulat ako ng mata at biglang napatakip ng bibig gamit ang kanang kamay ko dahil sa nasaksihan ko. Nakadapa sa lupa yung Archie at may dugo na dumadaloy mula sa balikat niya. Anong nangyari sa kanya? Napalingon ako kay Kyle galit na galit ang mukha niya.
"The next time you will touch her. I damn swear paglalamayan kana" seryosong banta niya
Hindi ako makapagsalita at hindi ko malaman ang gagawin ko nanginginig ang kanang kamay ko na nasa bibig ko pa gulat na gulat pa rin ako hanggang ngayon.
Napatay niya ba ang lalaki? Wag naman sana naramdaman ko ang pagdaloy na naman ng mga luha ko. Nakakainis naman eh napakaiyakin ko talaga.
"It's not what you think. I did not kill him believe me. Daplis lang ang tama niya sa balikat using my own knife hahampasin ka niya ng baseball bat kaya inunahan ko siya" sabi niya nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
Hindi naman ako naniniwala na magagawa niyang patayin ang lalaki kahit pa ilang beses siyang sinuntok. Ako ang matatamaan ng baseball bat? Tinulungan at niligtas niya lang ako? Mas humikbi pa ako lalo ng malakas.
"Ikaw ang pinupuntirya niya hindi ako. It's now okay, please stop crying" mahina niyang sabi napatingin ako sa kanya hinawakan niya ang pisngi ko nf isang kamay niya kaya napatulala ako sa kanya at biglang napangiwi siya.
"A-anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" alalang tanong ko bigla na lang siya matutumba kaya mabilis ko siyang inalalayan at nakarinig kami pareho ng tunog ng sasakyan ng police. We are now really safe.
Dinala kami pareho sa hospital ilang oras na ang lumipas nasa emergency room pa rin siya ginagamot ang mga natamo niyang sugat habang ako kakalabas lang ng emergency room dahil ginamot din ang mga daplis ko sa tuhod at kamay. Walang-wala ang sugat ko kesa sa sugat niya kanina pa ako naghihintay sa labas ng emergency room niya ayokong pumasok dahil hindi pa tapos ang ginagawa sa kanya. Sana naman this time walang may mabali na kung ano sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...