Chapter 34: Second day, Beach Volleyball Competition for Girls

40 6 2
                                    

Kyle


Her every moves are amazing. Magaling siyang sumayaw nakakamangha at nakakagulat dahil ang sabi niya kanina hindi siya marunong sumayaw dalawang beses na siyang nagsinungaling. Her moves make her beautiful ang ganda niya talagang sumayaw ngayon ko lang siya nakitang sumayaw nakakabilib siya pero hindi ko pa rin nakakalimutan na siya ang desperadang babae na kinaiinisan ko.

Ngayon lang ako kumanta ulit ang huli kong pagkanta nung nililigawan ko si Chloe kinantahan ko siya at pagkatapos nun sinagot niya ako at nung maghiwalay kami hindi na ako kumakanta pa. Ito ang napili kong kinanta dahil nakaka-relate ako sa kanta. Kaninang tanghali ay magkatabi kaming naghahanap ng susi at ng nilingon ko siya nakita ko na dumudugo ang kanyang daliri at doon pa sa may paso niya kaya dali-dali akong pumunta sa kanya at tinanong siya kung ano ang nangyari sa kanya.

Sabi niya nakahawak siya ng basag na bote kaya mabilis ko siyang pinatayo at pumunta kay sir at sinabi ko na pupunta kami ng hospital pero ang totoo sa kuwarto namin kami pumunta at ginamot ang sugat niya. Ewan ko ba kung bakit ko yun ginawa sa kanya. Hindi ako nag-aalala sa kanya ayoko lang siyang makitang nasusugatan. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin at hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko.

"Ito na po, kakausapin ka daw ni kuya" sabi niya sa akin. Bakit ako kakausapin ng kuya niya? At binigay niya sa akin ang cellphone niya tinanggap ko naman.

"Ikaw ang kasama ng kapatid ko diyan?" tanong ng kuya ni desperate girl. Yun lang ang sasabihin niya?

"Oo" cold kong sagot

"Ikaw ba ang partner niya diyan?" tanong niya

"Oo" cold kong sagot

"Kahit wala akong tiwala sayo pero dahil ikaw ang partner ng kapatid ko diyan pinapaubaya ko siyang bantayan mo. Dapat pagbalik niya dito wala siyang galos kahit isa dahil humanda ka sa akin kapag may nakita akong konting galos sa kapatid ko. Naiintindihan mo ba?" tanong niya

"Oo" cold kong sagot at pinatay niya na at binalik ko na ang cellphone niya sa kanya.

Teka, bakit ako sumang-ayon sa sinabi niya? Ano bang pakialam ko dito? Anong sabi niya babantayan ko to? What the hell?

Ano ang karapatan niyang utusan ako? At ginawa niya pa akong utusan? Nakakainis pero hindi ko man lang nagawang tumanggi hindi siguro pumasok sa utak ko yung sinabi niya.

Anong sinabi niyang konting galos? Meron na nga siyang malaking sugat konti pa? Bago niya pang sabihin yun nasugatan na yung kapatid niya kaya useless yun at ako matatakot sa kanya? Baka hindi niya ako kilala.

"Sir, hindi pa sila nag-practice sa lagay na yan" sagot ni Angel

"Totoo?" gulat na tanong ni sir at napatingin sa aming dalawa

"Opo" sagot ni desperate girl

"Wow, very impressive ang galing niyong dalawa wala akong duda na pinag-isa ko kayo" ngiting sabi ni Sir

"Thank you po" ngiting sabi ni desperate girl

"Nilagyan ko na kayo ng grade that's all for today class. Puwede na kayong bumalik sa mga kuwarto niyo at magpahinga magkita nalang tayo dito bukas para sa second activity niyo na gagawin. Be ready class kasi bukas volleyball ang lalaruin niyo at ang makakalaban niyo ang group 1. Tumaas ang kamay sa hindi marunong maglaro ng volleyball?" tanong ni Sir sa amin. Tumaas ako ng kamay at halos lahat kami na lalaki ang nagtaas ng kamay hindi ako marunong maglaro ng volleyball dahil basketball ang nilalaro ko.

"Lahat ng mga boys ang hindi marunong maglaro kaya girls kayo na magturo sa kanila bukas ng hapon ibaba niyo na ang mga kamay niyo boys. Naiintindihan niyo ba girls?" tanong ni ni sir kaya binaba na namin ang mga kamay namin.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon